Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bloodline 1: The Eternal Blood

Bloodline 1: The Eternal Blood

Clara Xiey
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman niya na hindi normal ang mga magulang at kapatid niya. Pumunta sila sa Outlandish, ang mundong pinanggalingan ng magulang. Sa pagtira nila doon, marami siyang natuklasang lihim tungkol sa pamilya at pagkatao niya, lihim na nagpabago sa buhay niya.
3.4K viewsCompletedAdded to Library 130 Times as long line copy and paste
Read
+Library
Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Simpleng babae si Irene na may simpleng buhay at pangarap, ngunit ang lahat ng simple at tahimik niyang araw araw ay gagambalain ng pagsulpot ng isang estrangherong makikilala niya sa pangalang Tisoy. Kung paano ganun kabilis na sumulpot sa buhay niya ang binata ay ganun ring kabilis siyang nahulog dito. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong hindi na nagpakita sa kanya at ng mag krus ulit ang kanilang landas iba na ang katauhan at pangalan nito. Isa na itong milyonaryo at nagiisang tagapagmana pero ang masakit para kaya Irene ay hindi na siya nito nakikilala.
108.0K viewsCompletedAdded to Library 254 Times as long line copy and paste
Read
+Library
Sa Kama ng Diablong Bilyonaryo

Sa Kama ng Diablong Bilyonaryo

"Now that you are property, you will do anything I say. Now, undress!" Inakala ni Celestine Roselli na sa pagkamatay ng kaniyang asawa na si Rolando ay makukuha na niya ang yaman nito at makakasama ang kaniyang lihim na kasintahang si Jasper. Ngunit ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ng bilyonaryong sing-sama ng diablo, si Roman Valezarte. Labag man sa loob ni Celestine ay wala siyang nagawa nang naisin siyang angkinin ni Roman, dahil kung hindi siya susunod sa nais nito ay tiyak na kamatayan ang kaniyang sasapitin. Ano nga ba'ng magagawa ni Celestine kasama ang diablong bilyonaryo? Makakatakas kaya siya rito?
9.23.9K viewsOngoingAdded to Library 139 Times as long line copy and paste
Read
+Library
THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

Akala ni Vera Mendoza ay nasa tamang landas na ang kanyang buhay kasama ang live-in partner niyang si Draven Villareal. Ngunit isang gabing puno ng dilim at pagkakamali ang tuluyang sumira sa lahat. Sa isang madilim na silid ng hotel, inakala ni Vera na si Draven ang lalaking nakapiling niya. Kinaumagahan, umalis siya nang hindi man lang nasilayan ang mukha nito. Buo ang paniniwala niyang ang lalaking minamahal niya ang nakasama niya noong gabing iyon. Ngunit pag-uwi niya, nadatnan niyang nakikipagtalik si Draven sa ibang babae. Sugatan at wasak ang puso, pinili niyang lumayo, hindi alam na may dinadala na pala siyang lihim na bunga ng gabing iyon. Lumipas ang mga taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit ang mas nakakagulat, nalaman ni Vera na ang lalaking nakasama niya sa hotel ay hindi pala si Draven... kundi ang sarili nitong ama. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, nauwi sa kasalan ang dalawa. Ang dating live-in partner ni Draven... ay naging asawa ng kanyang ama. Ang babaeng minsan niyang minahal ay tatawagin na niyang stepmother. Ano ang mangyayari kapag nabunyag ang buong katotohanan? Paano haharapin ni Draven ang babaeng dati niyang minahal na ngayon ay kanyang madrasta? At paano kung ang batang matagal niyang inakalang anak ay anak pala ng sarili niyang ama? Sa mundong puno ng maling akala, pagtataksil, at lihim, kaya bang paghilumin ng katotohanan ang mga pusong matagal nang nasugatan? O mas lalo lamang nitong guguluhin ang pamilyang nabuo sa isang gabing hindi dapat nangyari?
9.98.1K viewsOngoingAdded to Library 283 Times as long line copy and paste
Read
+Library
ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
9.5103.0K viewsCompletedAdded to Library 3.5K Times as long line copy and paste
Read
+Library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
5.0K viewsCompletedAdded to Library 121 Times as long line copy and paste
Read
+Library
The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

Para kay Kiara Valencia, maliit na sakripisyo lang ang dalawang taon ng pagtitiis sa malamig na trato at pang-aapi ng mayayamang pamilya para sa lalaking mahal na mahal niya. Bilang asawa ng bilyonaryong si Nathan Montenegro, handa niyang harapin ang lahat ng panlalait ng ibang tao, dahil naniniwala siyang sapat na ang marriage certificate nila para patunayan na siya ang legal na Mrs. Montenegro. Pero biglang nagbago ang lahat nang malaman ni Kiara na peke lang pala ang kasal nila. Ang bawat mga pangako ni Nathan ay plano lang pala para makuha nito ang buong mana at yaman ng pamilya Montenegro. Mas masakit pa rito, pati ang sarili niyang pamilya at mga kaibigan ay kasabwat sa panlolokong ito para manatili siyang sunod-sunuran sa bilyonaryo, habang palihim naman palang may minamahal na iba si Nathan. Ngayong siya na ang may hawak ng sitwasyon, gagamitin ni Kiara ang kanyang bagong yaman at impluwensya para simulan ang isang matinding laban sa negosyo laban sa mga Montenegro. Handa siyang bawiin ang lahat ng investments at pabagsakin ang kumpanya ng lalaking sumira sa tiwala niya. Sa oras na magsimulang magkaproblema ang kumpanya ni Nathan at lumuhod ito sa harapan niya para magmakaawa, mananaig ba ang galit ni Kiara, o may puwang pa ang pagsisisi sa pusong tuluyan nang nasaktan at nagbago?
10201 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as long line copy and paste
Read
+Library
Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Lumaking magkahiwalay si Dane at ang kakambal niyang si Dianne nang magkahiwalay ang mga magulang nila. Siya ay lumaki sa hirap habang ang kakambal ay lumaki sa marangyang buhay. Wala ng ibang hiling si Dane kundi ang mapayapa at tahimik lang na buhay, pero isang araw, may dumating na isang lalaki, at ibinalita nito sa kanya ang tunay niyang pagkatao kasama na dun ang pagkawala ng kakambal niyang kapatid. Then a man wearing a black mask came, and his name is Dark. Tama ang sinabi ni Calil na aakalainin nito na siya ang babaeng hinahanap nito! Dahil naiipit na siya sa sitwasyon ay pumayag siyang sumama rito at para mabigyan ng hustisya ang pagamatay ng kakambal niya. Pero hanggang kailan niya kayang magpanggap? Magagawa ba niyang pigilan ang pusong umibig kay Dark? Gayong kaya siyang ipagkalulu ng kanyang sarili sa bawat halik at yakap nito. O ang tamang tanong, magagawa ba niyang paibigin ang isang Dark De'Longhi? "This isn't romance. You're not a damsel in distress and I'm not the handsome prince who comes to save you."
10727 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as long line copy and paste
Read
+Library
Ang Katulong na Naging Kontratang Asawa ng Bilyonaryo

Ang Katulong na Naging Kontratang Asawa ng Bilyonaryo

“And don’t fall in love with me.” Iyon ang huling patakaran ni Lucas Matteo Vergara para kay Mandy D. Mapagkatiwalaan. Natawa lang si Mandy nang marinig iyon. Dahil sino ba naman ang magkakagusto sa isang suplado, mayabang, at ubod ng sungit na bilyonaryo? Siguro may iba. Pero hinding-hindi siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumirma sa isang kontratang magliligtas sa buhay ng babaeng tumuring sa kanya bilang sariling apo. Upang matupad ang huling hiling ni Lola Janette, kailangan niyang pakasalan si Lucas at maging kontratang asawa nito sa loob ng tatlong taon. Akala ni Mandy, iyon na ang pinakamahirap na bahagi ng kanilang kasunduan. Ngunit nang bumalik si Samantha—ang unang babaeng minahal ni Lucas at ang babaeng muntik na niyang pakasalan—unti-unting nabasag ang mga pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso. At doon niya napagtanto na may mas mahirap pa pala kaysa sa pagiging kontratang asawa ng isang bilyonaryo. Ang mahulog sa lalaking hindi kailanman magiging kanya. Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap na walang nararamdaman? At kapag dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, handa ba siyang bitawan ang lalaking pinakamamahal niya? O lalaban siya para sa pag-ibig na mula pa sa simula ay hindi naman para sa kanya?
10718 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as long line copy and paste
Read
+Library
Longing For The Billionaire's Affection

Longing For The Billionaire's Affection

Matapos malaman ni Pan ang panloloko na ginawa ng boyfriend niya sa kaniya na si Logan, sinimulan niyang akitin ang step-brother nito na si Juancho para sa personal na dahilan. Si Juancho ang dati niyang kapares sa kama na kapag siyay dinatnan ng init ng katawan ay napapawi ng binata. 8 years ago, isa siyang pariwarang dalaga na nagri-rebelde at tambay sa bar. Doon niya nakilala si Juancho Bec, ang lalaking pumuno ng pantasya niya noong bata pa siya. Pero sa kaniyang pagdalaga, nakilala niya si Logan at nainlove siya dito. Nagbagong buhay na siya at handa na siyang magsettle-down. Pero sa kasamaang palad, nahuli niya itong nambababae sa isang bar. Luhaan siyang umalis at nagtagpo muli ang landas nila ni Juancho. “Come here and open your mouth,” paos na utos ni Juancho at parang alipin na sinunod ni Pan ang utos niya. Sa kaniyang ginawa, babalik ba si Logan sa kaniya? O may bagong pag-ibig na mabubuo?
1035.1K viewsOngoingAdded to Library 913 Times as long line copy and paste
Read
+Library
PREV
123456
...
43
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status