Maid for the Boss (SPG)
MARGA
Makalipas ang ilang sandali, nakarating ako sa restaurant na sinabi ni Kevin. Isa itong mamahaling lugar na may pribadong mga mesa at hindi gaanong maingay, kaya komportable akong makipag-usap nang hindi kami naririnig ng ibang tao. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa bintana, at nang mapansin niya ako, agad siyang tumayo.