Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch
“How far are you willing to go… for a forbidden love?”
Akala ni Jenesis Apolonia Capistrano, kaya niyang tiisin ang lahat, isa na roon ang pagiging manugang sa isang pamilyang hindi siya kailanman tinanggap.
Sa loob ng marangyang bahay na iyon, wala siyang boses. Wala siyang kakampi. Bawat galaw niya, may mali. Bawat araw, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauubos.
At ang asawa niya? Nandiyan lang pero hindi niya kailanman naging sandalan.
Hanggang sa may isang pares ng mata na nagsimulang tumingin sa kanya… nang higit sa dapat.
Si Raoul Alistair Rodriguez.
Ang panganay na kapatid ng asawa niya. The cold, dominant, and dangerously in control brother-in-law of hers.
Isang lalaking dapat niyang iwasan. Isang lalaking hindi niya dapat iniisip.
Pero sa gitna ng sakit at pag-iisa, si Raoul ang naging pahinga niya …and also her greatest temptation.
Sa bawat titig, sa bawat paglapit, unti-unting nabubura ang mga hangganan na pilit niyang pinanghahawakan.
Mali iyon. Pinagbabawal. Malaking kasalanan.
Pero nang hawakan siya ni Raoul, doon niya napagtanto, not every sin feels wrong.
Dahil minsan, ang pinakamasarap na pakiramdam… ay yung alam mong hindi dapat. At kapag puso na ang kumilos, kahit mali... nagiging tama.
Now, will Jenesis choose to walk away from Raoul's touch… or let herself fall into a love that could ruin her?