MAFIA'S FATAL ATTRACTION
Ayokong naiisahan.
Lahat na yata ng ilegal na gawain ay napasukan ko na, at lahat ay kumikita ng bilyones… Human trafficking, iligal na armas, droga, at kung ano-ano pa. Limpak-limpak na salapi ang ibinibigay nito sa akin. Pero ang totoo, ang pera ay bonus lang. Mas nalulunod ako sa kapangyarihan… ang kakayahang manipulahin ang mga tao, ang pagdikta sa takbo ng mundo. Hindi ko nga alam kung tatanggapin pa ba ako sa langit kapag namatay ako dahil sigurado akong isinusuka na ako doon sa dami ng tao na napatay ko. Sa edad kong ito, hindi ko na mabilang kung ilang tao na ba ang napatay ko. At hindi ko na kailangan pang isipin pa dahil wala rin naman akong pakialam kung saan ako mapupunta. Ang ma
Bab Populer