Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Trapped by the Governor

Trapped by the Governor

Si Karolina Korkova ay isang single mother na nagtatrabaho bilang stripper, handang gawin ang lahat para mabuhay ang dalawa niyang anak. Ngunit nang ma-diagnose ng cancer ang kanyang bunsong anak, hindi na niya kayang tustusan ang lumalaking gastusin sa pagpapagamot. Sa desperasyon, tinanggap niya ang isang VIP invitation para mag-perform sa harap ng makapangyarihang Gobernador ng Puerto Rosario, sa paniniwalang iyon na ang huling pag-asa ng kanyang pamilya. Pero ang akala niyang simpleng trabaho lang ay nauwi sa bangungot. Hindi sinasadyang nasaksihan ni Karolina si Governor Alejandro Volkov Delgado na walang awang pumatay ng isang lalaki sa loob ng kanyang mansyon. At para mailigtas ang sarili at mapagamot ang kanyang anak, napilitan siyang tanggapin ang alok ng gobernador—isang contract marriage. Kapalit ng kasal, sasagutin ni Alejandro ang pagpapagamot ng anak ni Karolina, poprotektahan ang kanyang pamilya, at ibibigay ang buhay na hindi niya kailanman naisip na mararanasan, as long as she remains the obedient wife he demands. Ngunit habang tumatagal, ang kasalang nagsimula sa takot at pamimilit ay nauwi sa isang mapanganib na obsession. At sa likod ng malamig at malupit na gobernador ay isang lalaking handang sunugin ang buong mundo para sa babaeng tinatawag niyang asawa. Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at mga lihim... may pag-asa pa bang mabuhay ang pag-ibig kung nagsimula ito sa isang controlling at abusive na relasyon?
10498 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as malamig
Read
+Library
Desired by the Billionaire

Desired by the Billionaire

“Isang daang milyon!” sigaw ng isang misteryosong lalaki. Si Cassandra Louise Ledesma ang lihim na tagapagmana ng pamilya Ledesma na itinago ng kaniyang lola na si Soledad upang mailayo sa mga taong nagbabalak agawin ang kanilang yaman. Upang mamuhay nang payapa, pinili niyang magtrabaho bilang isang simpleng maid. Sa isang charity auction, pabiro siyang isinama bilang isa sa mga "auction item." Ang inakala ng lahat na simpleng kalokohan ay nauwi sa matinding gulat nang may magbid ng isang daang milyong piso para sa kaniya. Sa kabilang dako naman ay si Amadeo Vicente Sandejas, ang pinakabatang bilyonaryo at CEO sa buong mundo. Isang lalaking malamig, subsob sa trabaho, at walang interes sa pag ibig. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang misteryosong bidder na gumastos ng napakalaking halaga upang walang ibang makakuha kay Cassandra. “Mula nang marinig kong isasama ka sa auction, tinapos ko na ang laban. Dahil alam kong walang ibang dapat manalo kundi ako. “Kung tutuusin ay barya lang naman ang isang daang milyon piso, Cassandra.” Saan nga ba sila dadalhin ng isang daang milyong pisong bid na nagsimula bilang isang biro? Magagawa kayang baguhin ng babaeng binili niya ang pusong matagal nang isinara ni Vicente, o ang mga lihim na kanilang itinatago ang siyang tuluyang maglalayo sa kanila?
101 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as malamig
Read
+Library
Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)

Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)

𝐁𝐨𝐨𝐤 1 : 𝐂𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐲 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫-𝐈𝐧-𝐋𝐚𝐰'𝐬 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 !! 1-103 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐬) “Mahal pa rin kita, Ara. Kahit pa pareho na tayong kasal sa iba.” Limang taon ang lumipas matapos iwan ng walang paliwanag ni Arabelle ang kan’yang ex-boyfriend na si Logan Castillano, at di inaasahang muli niya itong makikita sa kasal ng kan’yang sister-in-law bilang groom. Ngayon, pareho nang nakatali ang dalawa sa iba. Ngunit paano kung ang affection nila sa isa’t-isa ay hindi nawala at mas lalong sumihidhi bilang forbidden love. Makakaya kaya nilang suwayin ang tawag ng kanilang mga damdamin? At paano nila matatakasan ang galit ng kani-kanilang kabiyak, if Arabelle is — Carrying her brother-in-law’s Child? 𝐁𝐨𝐨𝐤 2: 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐦𝐲 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐨𝐧𝐚𝐢𝐫𝐞 𝐔𝐧𝐜𝐥𝐞 (𝐎𝐍-𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆!! 𝐏𝐚𝐫𝐭 104 and so on...!!) “Contracted to be a bedwarmer of a billionaire I’ve never thought to be my unknown uncle,” Micaiah Vergara was raised on her father’s bitter stories of betrayal. Michael Vergara died with one final command: Never bow down to the Castillanos, especially to the "golden son," Gabriel. But when Micaiah is betrayed by her fiancé, Arkin, on their wedding day, and her father’s company faces total collapse, she is forced to make a deal with the devil. Craige, isang 38-anyos na bilyonaryong may malamig at mapang-utos na awtoridad. One billion pesos to save her legacy, in exchange for a year of "Contracted Pleasure." Micaiah becomes his property, a "bedwarmer", bound by a contract she cannot escape. Makakaya kaya nila ang rebelasyon at katotohanan lalo na kung unti-unti nang nabubuo ang isang pagtitinginan?
927.3K viewsOngoingAdded to Library 982 Times as malamig
Read
+Library
HOLD ME TIGHT, SIR SEBASTIAN (SSPG)

HOLD ME TIGHT, SIR SEBASTIAN (SSPG)

“Alam kong bawal… pero bakit sa lahat ng lalaki, siya pa?” Hindi inakala ni Scarlett na ang isang gabing akala niya’y mananatiling lihim ay babalik para guluhin ang buong buhay niya. Bilang isang graduating education student, handa na siyang tahakin ang panibagong yugto ng pagiging pre-service teacher. Akala niya, ang magiging problema lang niya ay lesson plans, classroom observations, at kung paano mapabilib ang kanyang cooperating teacher. Pero sa unang araw pa lang ng practicum, gumuho agad ang katahimikan niya. Dahil ang lalaking nakatayo sa harapan ng classroom—ang lalaking may malamig na mga mata at nakakabinging presensya—ay siya ring lalaking naka-one night stand niya. At mas nakakabigla? Siya ang lalaking kailangan niyang makasama, makatrabaho, at harapin araw-araw. Sa pagitan ng propesyon at pagnanasa, respeto at tukso, hanggang kailan nila kayang itago ang lihim ng gabing nagbuklod sa kanila? At paano kung habang pilit niya itong nilalabanan, lalo naman siyang nahuhulog sa lalaking hindi niya dapat mahalin at pagnasahan? ------------ Warning: This novel contains erotic and explicit scenes that may not be suitable for all readers. This story is purely a product of the author’s imagination. Names, characters, events, and situations are fictional and are not intended to depict or represent real people or real-life events. Strictly for readers 18 years old and above only. If you are under 18, please do not read. Read at your own risk. <3 --mayonaka_kisaki
1013.1K viewsCompletedAdded to Library 497 Times as malamig
Read
+Library
LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

Si kiel isang binatang magbubukid na kinailangang mamasukan bilang house boy ni Don Teodoro para mabayaran ang pagkakautang ng kanyang ama na ginastos sa pagpapa aral sa kapatid na si Lyndon; isang criminology graduating student. Mula sa payak at inosenteng buhay ay mamumulat sya sa kamunduhan minsang gabing umuwing lasing ang bunso at nag iisang anak na babae ng kanyang amo; si Alice. Sa malamig na lamesang marmol inabutan ng tukso ang dalawang nagkikiskisan ng kani kanilang init ng katawan na hindi nila inaaasahang magbubunga. Sa unang beses nilang pagkikita ay may nangyari sa kanilang kahalayan na magdudulot ng responsibilidad na hindi nila napaghandaan. Engaged na si Alice nung mga panahong iyon kay Mikael na isang piloto at anak ng isang politiko, kahit hindi nya ito mahal dahil ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang para sa negosyo at koneksyon, gayunpaman ay walang sawang ipinapakita ni Mikael ang sinseridad at pagmamahal nya dito. Sa pagdaan ng oras ay tila nahuhulog ang loob nya dito, ngunit ang batang dinadala nya sa kanyang sinapupunan ay pag aari ni kiel, bunga ng makasalanang udyok ng kahalayan na gusto nyang ipalaglag. Tatlong lalaki sa buhay ni Alice, isang ama ng kanyang anak na isang beses nya lang naka niig, isang batang walang muwang na gusto nyang mawala, at isang nagmamahal sa kanyang hindi nya kayang suklian.
1.4K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as malamig
Read
+Library
The Billionaire's Personal Slave

The Billionaire's Personal Slave

Si Alexandra Lewis ay lumaking spoiled, mayaman, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ngunit may isang taong hindi kailanman nagpasakop sa kanya, si Rhenan Castillo, ang anak ng kanilang labandera na matalino, masipag, at puno ng pangarap. Habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ni Alexandra kay Rhenan. Ngunit hindi niya matanggap na may mahal itong iba, si Maui. Dahil sa matinding selos at obsession, gumawa siya ng kasalanang sumira sa buhay ng binata. Pinaratangan niya ito ng panggagahasa upang mapilitang pakasalan siya. Ngunit mas pinili ni Rhenan ang makulong kaysa mapunta sa kanya. Pagkalipas ng maraming taon, bumaliktad ang mundo nila. Bumagsak ang pamilya Lewis habang si Rhenan naman ay naging makapangyarihan at kinatatakutang Mafia boss na kilala bilang “El Diablo.” Upang mailigtas ang natitirang ari-arian ng kanilang pamilya, napilitang maging personal slave ni Alexandra si Rhenan. Sa loob ng mansyon nito, araw-araw niyang mararanasan ang malamig na paghihiganti ng lalaking minsan niyang sinira. Sa bawat utos at bawat gabing magkasama sila, unti-unting bumabalik ang damdaming pilit nilang tinatakasan. Ngunit habang mas lalo siyang nahuhulog kay Rhenan, mas lalo rin niyang nararamdaman na si Maui pa rin ang tunay nitong mahal. At nang mabuntis siya ng lalaki, nagsimula ang pinakamahirap niyang desisyon—manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin, o tumakas kasama ang batang bunga ng isang pag-ibig na nagsimula sa galit at paghihiganti.
103.9K viewsOngoingAdded to Library 100 Times as malamig
Read
+Library
Too Late To Regret, Mr. Billionaire

Too Late To Regret, Mr. Billionaire

“He broke her heart once. Now he’s willing to lose his empire just to win it back.” --- Simula 12 years old pa lang ay minahal na si Talia si Caden Montclair. Kaya nang magkasundo ang kanilang mga pamilya na ipakasal sila sa isa't-isa ay labis-labis ang saya niya. Pero sa loob ng tatlong taon, sikreto silang naging mag-asawa nang hindi nagsasama sa iisang bubong. Bagkus, dalawang beses sa isang buwan ay nagkikita sila ni Caden sa Montclair Villa para punan ang “obligasyon” niya sa asawa at iyon ay maging bed partner nito. Hanggang sa isang araw ay natauhan na lang si Talia. Napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya magagawang mahalin pabalik ni Caden. Kaya nang magpunta siya sa mansyon ng mga Montclair ay kinausap niya ang asawa at sinabing, “Caden, let's get divorce.” “You’re willing to give up being Mrs. Montclair that easily?” malamig namang tanong ni Caden. “Yes. I already prepared the documents.” Matapos niyon ay umalis na si Talia at hindi na muling nagpakita pa. Pero makalipas ang ilang taon, ay muli siyang nagbalik bilang isang babaeng may dignidad, puno ng kumpiyansa, at kinikilala sa buong bansa. At ngayon, si Caden Montclair naman ang naghahabol sa kanya at humihingi ng second chance. The man who once ignored her now can’t stop chasing her. But Talia has finally learned something he never did— love without respect isn’t love at all.
10135.5K viewsOngoingAdded to Library 2.7K Times as malamig
Read
+Library
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
1016.9K viewsCompletedAdded to Library 372 Times as malamig
Read
+Library
One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
104.1K viewsOngoingAdded to Library 157 Times as malamig
Read
+Library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
102.3K viewsOngoingAdded to Library 81 Times as malamig
Read
+Library
PREV
1
...
2324252627
...
36
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status