Ang Talaarawan ni Corazon
Lumaki ang kaniyang ngiti at parang batang nasasabik makilala ang isang bagong kaibigan.
"Ah! Heneral, si Manuelo po ang aking kaibigan. Taga amin rin siya," tinitigan niya muna simula sa mukha hanggang paa at pabalik sa mukha ang kaharap.
"Manuelo, ang heneral, si Heneral Eustaquio.... Eustaquio Marino Miguel Ponce dela Pena," pagpapakilala ko sa dalawa. At napansin ko ang kaniyang parang nangliliit na ekspresiyon. Ngumisi siya ng bahagya bago bumalik sa seryoso ang mukha.