My Bestfriend's Enemy
Ipinakita pa niya ang kanyang the best smile dito dahil gusto niyang maging kumportable ito sa kanya.
"Miss Jillian."
"Mrs. Jillian Toledo," pagtatama niya. "Jillian Cordova lang ang ginagamit kong pangalan dahil iyon ang penname mo."
"It is your real name."
"Pangalan ko nu'ng dalaga pa ako," sabi niya nang lingunin ang boses na kilalang-kilala niya. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin si Lance dahil nangangamba siyang kapag tinitigan niya ito ay bumalik lang ang damdaming matagal na niyang dapat kinalimutan. Kaya, siguro ay tama lang na makaramdam ng takot si Mark Wayne kahit na madakas niyang sabihin sa asawa na wala naman siyang dapat na alalahanin.
الفصول الرائجة