The HUNTRESS
Umalis si Tiger para tignan ang nangyayari sa labas, pero mabilis din itong bumalik sa loob nang mapagtanto kung sino ang dumating.
“Madam, narito ang mga tauhan ni Alpha. Umalis na tayo!” nagmamadaling sabi ni Tiger.
“Ano? May sa lobo talaga ang Alpha na ’yon. Hanggang dito ba naman ay nagawa niya akong sundan. Hindi pa siya nakuntento sa pagpapakulong sa pamilya ko sa Chipan, maging ako ay hindi niya tinitigilan. Umalis na tayo bago pa ako mahuli ni Alpha,” saad ni Britany sa mga kasama. Nagmamadali itong umalis at hindi na nito inisip ang pagtatangka sa buhay ni Eiress. Mas mahalaga rito ang makatakas mula kay Alpha.
ตอนยอดนิยม