Love, Hate And Marriage
Nakita ko ng tabigin niya ang laptop na nasa table kaya nalaglag iyon sa sahig at napapitlag ang mga tao na nasa loob ng board room na ito, maliban syempre sa akin.
Napailing-iling ako, tinignan ko kung ano ba ang pinagmi-meetingan nila pati na rin ang topic at sa isang tingin pa lang ay alam ko na.
"Z.E.N would be a perfect series name. It has zest, elegance and is nature friendly." Lahat ng mata ay napatingin sa akin ng magsalita ako, tumingin din ako sa kanila bawat isa at huminto kay Adam na titig na titig lang sa akin, "Meeting adjourned. Makakaalis na muna kayo at iwan niyo na muna kami. This is more important."
ตอนยอดนิยม