Their Broken Dreams
“Doc, amnesia? Amnesia ba 'to? Ganito ang mga napapanood ko sa TV namin, eh. Sabihin mo na, 'wag kang patagal kasi maloloka na ako,“ sabat naman ni Letitia.
Mabilis ang tibok ng puso ni Letitia at nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hindi mapakali ang kaniyang mga paa.
Huminga muna nang malalim si Stephen bago sinagot ang mga katanungan ng dalawa. “Amnesia, it refers sa loss of memories katulad ng mga facts, any random or important information pati na rin sa experiences ng tao. Karaniwang "forgetting their identity" ang common plot ng mga movies o teleserye na napapanood natin sa television, pero hindi naman lahat ay ganoon nga ang nangyayari sa totoong buhay or sa mga real-life patien
Hot Chapters