BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION
Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at takot, iisang pangalan lang ang sapat para manginig ang lahat—Azrael Damon Severino.
Sa edad na dalawampu't anim, siya ang kinatatakutang mafia boss ng Night Vipers Organization. Kilala siya bilang isang lalaking walang awa, malamig, at handang pumatay nang walang pag-aalinlangan. Walang sinuman ang nangangahas na suwayin ang kanyang mga utos. Bukod sa pamumuno sa organisasyon, siya rin ang may-ari ng isang sikat na bar kung saan nagtatrabaho ang isang simpleng waitress na hindi niya kailanman inakalang gugulo sa kanyang tahimik at kontroladong mundo.
Si Sienna Constantes, labingwalong taong gulang, ay isang ordinaryong dalagang l