My Playboy Boss
“Heto, medyo naninibago dahil sobrang laki ng kama at lamig sa kwarto. Gusto ko sanang patayin yung aircon kaya lang di naman ako marunong magpipindot sa remote! Natatakot ako na baka makasira ako. Lahat ng gamit dito sobrang high-tech!
Biruin mo, pati yung sa banyo, di sila gumagamit ng tabo! Abay hindi ako marunong magpipindot sa banyo kaya di na ako nakaligo. Naghilamos na lang ako at tootbrush. Mamaya pag gising ng kapatid mo, saka ako maliligo. Magpapaturo ako sa kaniya kung pano ginagamit yung shower don kasi ang daming pindutan. Naloloka ako! Ito pa, magluluto na rin sana ako ng almusal namin, kaya lang pati lutuan, di ko alam pano gamitin! Hay! Para akong taong bundok sa bahay na ito
Hot Chapters