Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10458 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Your Hero Your Lover ( Tagalog )

Your Hero Your Lover ( Tagalog )

Hindi akalain ni Mutya na magagawa nga talaga nyang pikutin ang among si Drake ngunit ngayon ay bigla na lang nabahag ang kanyang buntot at ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Kailangan niyang makaalis ng kwarto bago pa magising si Drake. Dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay. Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. “Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?” “Nasa loob ba sya?” “Gano na kayo katagal?” Sunod sunod na katungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake. “Whats going on here?” halata sa mukha ng lalaki na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo't hubad nitong katawan ang puting kumot....
Romance
10117.2K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (45)
Read
Idagdag sa library
Funbun
Hindi ko akalain napkaganda pala ng story na to, deserve ng 5 stars or more. Andaming mga scenes na napatawa tlga ako, kudos sa'yo writer. Sulit ang bilar ko. Kahit sarili kong novel di ko naupdate dhil naubos ko ang oras ko dito. hope 4 u to follow my book "pursuing the billionaire gardener" thanks
ousnrs11
Usually nagkocomment ako dahil maganda ang story pero this time sobrang saludo ako sa galing ni Miss Author. Ang taba ng utak mo po. Kpag nagpaiyak ka grabe tulo ang sipon ko. pag comedy ang eksena mananakit ang tiyan ng mgbabasa. Pantapat sa Kdrama to.Sana may makadiscover nito na taga TV station.
Basahin ang Lahat ng Review
One Hot Summer with the Billionaire

One Hot Summer with the Billionaire

Matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, nagpasya si Iya na lumayo at magtungo sa isang island resort upang pansamantalang kalimutan ang sakit na iniwan ng lalaking minahal. Inasahan niyang ang tunog ng hampas ng alon at ang init ng araw ang magiging lunas sa sugatan niyang puso. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa resort na iyon, nakilala niya si Troy — isang gwapo at misteryosong estranghero na may kakaibang dating. Hindi pa sana siya handa sa presensiya ng lalaki. Ngunit paano niya tatanggihan ang init na dala nito sa kanyang puso at buong sistema? And with his one look and soft touch, Iya’s summer heat turned into fire. Hanggang sa halos gabi gabi na niyang natatagpuan ang sarili sa kanlungan ng lalaking maging pangalan ay hindi niya kilala.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1041.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.1K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (28)
Read
Idagdag sa library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Basahin ang Lahat ng Review
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

10ShyGirl
Si Seraphina ay isang Reincarnated soul at isang Bilyonaryang CEO na Suplada at Allergic sa mga kalalakihan ang mahuhulog at mababaliw sa isang sikat at gwapong Celebrity Billionaire na si Elias Tan. Ang kanilang kasalukuyang kwento ay maraming katanongan na ang tanging mga kasagotan ay nasa nakaraang buhay. Magsisimula ang kwento dahil sa dalawang magkasintahan na kinitil ang sariling mga buhay. Matapos magpakamatay ni Brent ay nagpakamatay din si Amelia.Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng Binata kaya nagpasya din siyang taposin ang sariling buhay. Samantala, matapos ang 27 na taon ay unti unting nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip si Seraphina,mga panaginip na para bang konektado sa kanyang nakaraang buhay. Si Elias naman ay ganoon din ang nararanasan, ang managinip ng mga kakaibang scenario na puno ng mga katanongan. What if mag meet si Seraphina at Elias? Ano kaya ang mararamdaman nila sa isat-isa? Magkakaroon na ba ng mga sagot sa kanilang mga katanongan? Si Seraphina at Elias nga ba ang reincarnation ni Amelia at Brent? Mauulit ba ang nakaraang pangyayari tragically sa kasalukuyan? Sino-sino ang mga reincarnated souls?Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit natapos ang buhay Pag-ibig ni Brent at Amelia tragically? Handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mga reincarnated souls na magpapainit ng inyong mga katawan at mapapakilig ng inyong mga puso? Alamin natin ang buong kwento.
Romance
708 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mister Billionaire's Sunshine

Mister Billionaire's Sunshine

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
Romance
910.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
History
105.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status