Mistaken Identity
Pero kahit naman anong interbyu nito dito, wala naman siyang dapat na ipangamba dahil wala naman silang ginagawang masama.
Nilingon niya ito, “Kapag sinungitan ka ni Alexa, ‘wag mo na lang pansinin, kahit naman siguro sinong babae ang nasa kalagayan niya, ma-iinsecure sa sitwasyon nating ito,” babala niya kay Catherine, bahagya siyang natawa, “Kahit wala naman siyang dapat na ika-insecure. Alam naman niyang di ako magkakagusto sa bubuwit na kagaya mo kasi matatangkad ang type ko. . .”