The Afterburn of Tempation
“Today, we entrust Karen back to the Lord. Before we say our final goodbye, I invite everyone to offer a flower as a symbol of love, forgiveness, and farewell. Let this be your way of letting go and allowing her soul to rest in peace.”
Nang matapos magsalita ang pari, isa-isa na kaming lumapit sa kabaong para magbigay ng bulaklak.
“Anak… sana ay payapa ka na diyan.”
Humahagulgol na sabi ng mama ni Karen habang hinahaplos ang kabaong ng anak niya.
“ Huwag ka magalala magiging ayos lang si mama” dagdag pa nito.
Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya. Siguro, kahit gaano pa karami ang naging pagkakamali ni Karen, para sa isang ina, anak pa rin niya ito.