Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)

'Til The Rain Stops (Monoxo Duology 1)

aurxxm
Kairo Evel Monoxo has always been used to the life that he wants. Playing, non-committing, nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Nakukuha ang lahat ng nais. Until one day, he met an untamable, feisty wave along the way. He was mesmerized by it. He was challenged. He wants to hold her and have a grasp on her world. But she doesn't... A few years later and he found himself still chasing it endlessly. Still whipped and damned crazy for the thing that he has already been pursuing for years. It was the only thing that he still can't have. The only one that he can't manipulate or control. Sa patuloy na pagdami ng pagsubok sa buhay, magagawa ba niyang kamtan ang ninanais? Can trust allow you to risk yourself even when all odds are stacked against you? Kagaya ng ulan na madalas ay banayad, magagawa ba niyang hintaying tumila ito? Kahit na hindi alam kung bahaghari ba ang nasa dulo?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Amorousness Behind Sunset

Amorousness Behind Sunset

CCmonogatari
"Sa paglubog ng araw, ang liwanag ay naglalaho. Katulad ng mga ngiting sa kalungkutan natatago." Si Maureen Cruz ay isang masayahin na tao. Kahit na lumaki siya na hindi nakukuha ang lahat ng kanyang ninanais ay hindi iyon naging dahilan upang hindi yakapin at bigyan ng halaga ang buhay na mayroon siya. Primarya lamang ang kanyang natapos, at hindi na siya nakapag-aral pa dahil sa kahirapan. Gayunpaman, ginamit niya ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan upang lumaban ng patas sa hamon ng buhay. Hanggang saan siya susubukin at dadalhin ng kanyang matapang na personalidad kung pag-ibig na ang sumukat sa kanyang dignidad? Mapanindigan kaya niya ang pag-ibig na itinanim nito sa kanyang puso at diwa? Hanggang kailan? Tunghayan ang k’wentong pag-ibig ng isang babaeng magtuturo, kung gaano kaganda ang buhay mula sa likod ng takipsilim. DISCLAIMER: No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, Characters, Places and Incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ️ WARNING ️ It may contain mature scenes and words. Read at your own risk.
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
9.8680.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
You Will Marry Me

You Will Marry Me

ceathric
Pinagtagpo si Rhea at ang "mapapangasawa niya" sa simbahan -- in the worst way possible. She barged into her ex-boyfriend's wedding to hopefully halt it, but she was unsuccessful. Malungkot man siya dahil walang nangyari, fate found its way to open a new chapter of her life through that. Doon niya nakilala si Elton. Isang araw, bigla na lang nagpropose itong estranghero sa kanya, e hindi naman nila kilala ang isa't isa at wala naman siyang feelings para sa kanya. Niyaya si ni Elton na magpakasal. It was a situation that would change Elton's life if she agrees or disagrees. Sa pagkakataong 'yon, fate connected two people who are both desperate. Elton will be forced to marry a woman entirely for the purpose of expanding their business and he doesn't want that at all. Binigyan siya ng magulang niya ng kondisyon na kapag hindi pa rin siya nagpakasal bago niya manahin ang kompanya, ikakasal siya sa babaeng tagapagmana rin ng kompanyang nais makipagkasundo sa kompanya ng magulang niya. Doon pa lamang, tutol na si Elton. Desperation led them to agreeing that they would marry each other for that reason. Lingid sa kaalaman nilang hindi ganoon kadali ang ninanais nila -- mayroon pa ring mga bagay na hahadlang sa kanilang marriage. Isang bagay lang ang lulutas sa problema nilang 'yon, at ang solusyong 'yon ay ang mahalin nila ang isa't isa. Magkaroon kaya ng paraan para matuto nilang mahalin ang isa't isa, o ang papel na nagtakda sa kanilang dalawa bilang mag-asawa ang siyang magpapahirap sa buhay nila?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Boss, Judge Me!

Mafia Boss, Judge Me!

Sa murang edad ni Rain na 13y/o naranasan nya ang masawi sa pag ibig, dahil pinag tabuyan sya ng kanyang nobyo at mga magulang ng araw na kumalat ang video na hindi naman sya,,, lumayo sya hindi nya alam kong saan sya pupulutin. Lumabas sya sa condo unit ng kanyang nobyo at sa kanyang pag labas bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Sakto naman dumaan ang isang taong mag babago ng buhay ni rain, pag aaralin sya nito kapalit ng pag titraning nya bilang isang agent. Sa pag lipas ng maraming taon magiging isa syang malakas at kinakatakutang agent. Muling mag tatagpo ang landas nila ng dating nobyo na si shon Dave miller ngunit dahil bata palang sya noon hindi sya nito makikilala. *** Uusbong ang galit sa kanyang puso at mag hihigantihan sya rito. Papasok sya bilang isang secretary ng binata at pag lalaruan nya ito, paiibigin nya ang dating nobyo na nang husga at sinaktan sya. Ngunit isang gabi ng tinungo ni shon ang kanyang kumpanya ng lasing, sakto namang nandoon pa si rain,,, may mangyayare sa kanila at mabubuntis sya. Lumayo sya,,, Hindi nya sinabi sa binata na buntis sya hanggang isang araw na wala ang kanilang anak at ang pinag hihinalaan niyang kumuha ng anak nya walang iba kong hindi si Shon. Saan mapupunta ang pag hihiganti nya? Makakamit nya kaya ang pag hihiganting ninanais oh mahuhulog sa sarili nyang laro?. Abangan sa mga susunod na kabanata.
Mafia
102.0K viewsCompleted
Read
Add to library
I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

"Staying is the Key... Fragile Blood is the Freedom..." Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya. Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa. Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya. Marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi. Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Ruthless Mafia Husband

My Ruthless Mafia Husband

Warning: R-18. Read at your own risk. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin ang binata, sa isang iglap paggising niya, itinakda na siyang magpakasal sa lalaking kinahumalingan niya nang maabutan sila ng ama ni Emmanuel na hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Emmanuel's father forced him to marry her because for him, it is such a embarrassment to the clan of Montefalco to fuck a girl without marrying her. Kaya wala siyang nagawa, natatakot din na mangatwiran dahil isang David Montefalco ang kanyang kaharap. Akala niya maging masaya siya kapag ikinasal siya sa taong gusto niya, ngunit isa palang impeyerno ang buhay niya sa kamay ng asawa. Walang araw na hindi niya ito sinasaktan, physical, emotional. At lahat ng iyon binalewala niya dahil may kasalanan rin siya... At mahal niya ang kanyang asawa. What would you choose, love or revenge? Emmanuel Montefalco, a CEO, a Multi Millionaire, and also known as a ruthless mafia. Pumasok sa isang organisasyon upang hanapin ang taong nagtangka na patayin ang kanilang pamilya at walang iba kundi ang ama ng kanyang napangasawa. He is known as a feared, ruthless and cold hearted person. Kahit si kamatayan hindi niya kinakatakutan. Pero nang dumating sa buhay niya ang kanyang asawa, bawat oras, bawat sigundo, takot na takot siya dahil baka isang araw mawala sa piling niya ang asawa dahil sa kawalanghiyaan na ginawa niya dito. Magtagumpay kaya siya sa plano niyang paghihiganti? Makuha kaya niya ang hustisya na kanyang ninanais o, mahulog sa sariling patibong at sumuko nalang dahil sa pag-ibig?
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
Romance
107.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status