Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1020.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? Basahin niyo na lang ang nakakaloka! Nakakalandi! Nakaka-ugh! Walang iba kung hindi ang nobelang "A House With Heartthrobs." Mapapasabi ka na lang na, "Sana all!"
YA/TEEN
1015.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Memories of the Past [COMPLETED]

Memories of the Past [COMPLETED]

Demie
Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021
History
5.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The 125-Year-Old Wife

The 125-Year-Old Wife

Zanicolette
Ano kayang reaksyon ng ninuno natin kung mapunta sila sa 2020?Taong 1895.Isa ako sa mga batang namulat sa digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang lumaki ako, ipinagkasundo ako sa lalaking kalauna'y inibig ko rin, si Isagani. Ngunit sa hindi inaasahan, nagkasala s'ya sa batas at ipinapatay. Dalawang taon din ang lumipas, akala ko ay tuluyan na akong ikakasal sa lahing Amerikano...Ngunit nagkamali ako, dahil isang araw namulat ako sa ibang panahon at nalaman kong ikinasal na ako. Ikinasal sa lalaking nagmula sa taong 2020.
107.9K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
A Writer's Romance (Filipino-English)

A Writer's Romance (Filipino-English)

Youniqueen
Hindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.
109.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
107.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

SHADOWWRITES
Ang nobelang ito ay nagpapakita ng isang tunay at wagas na pagmamahalan. Masasaksihan natin na ang puso ay kusang tumitibok para sa isang taong itinakda ng tadhana para sa atin. Kahit na sino pa siya at kahit saan pa siya nagmula, kapag puso na ang nagdikta ay wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito.
Fantasy
101.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Amasili
Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

HeyYou
Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.
Romance
101.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status