I'M DREAMING OF YOU
At tumambad nga sa aking harapan ang kanyang mukha, nanlaki ng bahagya ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang itsura, para akong nakaharap sa isang malaking salamin, at nakikita ko ang sarili ko.
Napangisi ako, iyong ngising aso, alam niyang hindi ko ikinatutuwa ang nakikita ko, pero ganon pa man nakikita ko ang dating ako sa kanya, naalala ko tuloy na minsan ko nang hiniling na magkaroon ng isa pang ako na makakayang lumaban para sa akin, ngunit ngayon nakikita ko sa kanyang katauhan ang dating ako, mahina, at walang kakayahan.
Bab Populer