Chasing my True Love: Betrayed by My Love
Tumikhim siya at seryosong sumagot,
“Napakasimple lang. Kumuha ka ng kaldero. Mag gisa ka ng bawang, sibuyas at luya, saka mo lagyan ng karne ng manok, mga apat na pakpak, pwede na. Igisa mo ng mga limang minuto. Tapos, lagyan mo ng sabaw, mga tatlong baso. Maghugas ka ng dalawang takal ng bigas. Kapag kumukulo na ang sabaw, ilagay mo na ang bigas. Haluin ng haluin at hayaang kumulo. Haluin mo lang constantly, kahit tatlumpung minuto.”
“Nakuha ko na po.”
Agad na ibinaba ni Billy ang telepono at tumuloy sa kusina. Umabot siya ng sampung minuto para lang malaman kung aling kaldero ang gagamitin. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya nahanap ang bigas na iniwan ni Samantha sa kabinet.
ตอนยอดนิยม