Hinahanap Ng Puso
Hindi naman kasi niya alam na hindi ang fiancé niya ang katalik niya nang gabing iyon.
"Kumain ka na, Quincy. Hindi puwedeng malipasan ka ng gutom. Masama iyon sa buntis. Kung mapapansin mo, lagi kong sinasabi sa iyo dapat healthy ang baby mo. Dahil ikaw din ang mahihirapan kapag naging sakitin siya. Mahirap mag-alaga ng sanggol. Talagang hindi ka makakatulog ng maayos. Syempre, iiyak ang anak mo kapag nagutom iyan lalo na kapag madaling araw, walang oras ang pag-iyak nila. Kaya talagang magigising ka. Eh paano kung sakitin pa ang anak mo? Eh 'di mahirap iyon. Gastos pa pambili ng gamot o 'di kaya pang-ospital."