The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)
“Bakit? Paano magiging mali? May pangalan naman ni Dad.”
Binuklat ni Carlo ang ilang pahina bago muling isara ang libro. “Hindi ko lang inakala. Mahilig pala si Dad sa ganitong genre,” sabi niya na may bahagyang ngiti. “Sabi ng kaibigan ko, love story raw ‘to. Tungkol sa isang babaeng lugmok sa buhay na umibig sa isang mayamang playboy.” Tumango siya, saka nagdagdag, “Sikat ang author na ‘to. Marami siyang romance novels, pero dalawampung taon na raw siyang hindi sumusulat.”
Hindi mahilig magbasa si Cassie, kaya ngayon lang siya tunay na naging interesado. “Kung gano’n, babasahin ko ‘to kapag may oras ako. Ingatan mo muna,” sabi niya.
Hot Chapters