Memories of the Past [COMPLETED]
"Sa atin, hindi ako mapagbibintangang magnanakaw. Hindi papayag ang nanay, kung malalamang ako'y pinalo nila!"
Dugtong pa ni Miguel, "Sana magkasakit ako para maalagaan ako ng nanay at hindi na makabalik sa kumbento at hindi nila ako mapalo, sana pati ikaw kuya, sabay na tayong magkasakit."
"Wag, Miguel. Pag pareho tayong nagkasakit, mamamatay tayong lahat! Saan tayo kukuha ng kakainin? Mamatay tayong lahat sa gutom."