Seducing My Baby's Father
"Talaga? Gusto mo ba imbitahan natin siya dito? Isama mo na din ang mga classmates mo bago tayo umalis."
Napaupo si Arim sa kama at tumalon sa saya. "Yehey!"
"Sino-sino ba ang mga kaibigan mo?" Naaaliw si Lucas habang pinapakinggan ang pagsasalita ng anak kaya inenganyo niya pa itong magkwento.
"Si Jajai, Bont, Jude, Trevor, Ate Jayda, Ate Francine, Teacher Magui, Teacher Love, Tita Lera, Carl —"