My Ex is my Stepfather
Batchmate ni James ang panganay na kapatid ni Kevin at nung kinasal ito, ininvite kami tapos nakainuman namin si James at ilang araw lang ang makalipas, nagtext siya sakin at gusto daw manligaw.
Nasa bahay na kami ni Kevin. Binaba na namin ang aming mga gamit at nagtimpla na sila ng shoktong. Yan ang favorite naming inumin tuwing vacant class namin. 7 kaming magbabarkada. Si Kevin, Aljun, Cindy, Mina, Amira, January at ako. Nabuo lang ang aming barkada nung nag fourth year college kami pero magkakakilala na talaga kami kase si Amira at Mina ay kaschool mate ko nung highschool. Si Kevin at Cindy naman ay magjowa. Mag iisang taon na sila next week.