Matchmade by His Heir
"Kaya kailangan nating maglaro ng hide and seek. Itatago kita sa isang secret room, tapos hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi kita sinusundo, okay?"
Nagliwanag ang mga mata ni Zion. "Wow! Hide and seek! Okay po, Mommy. I will be very quiet."
Dali-daling hinawakan ni Celestine ang kamay ni Zion at dinala ito sa dulo ng pasilyo. Binuksan niya ang pinto ng executive pantry. Isa itong malawak at malinis na kwarto na may mamahaling espresso machine, refrigerator, at isang maliit na dining table. Eksklusibo lamang ito para sa CEO at sa kanya, kaya nakakasiguro siyang walang ibang empleyadong papasok dito dahil laging nag-uutos si Zeno sa sekretarya kung gusto nitong magkape.
Bab Populer