The Hot Touch of a Cold Husband
“Hindi naman ako humihingi ng marami sa inyo, ang bilin ko lang ay alagaan ang asawa ko kapag wala ako sa tabi niya. Pero kayo, todo-todo niyo siyang ininsulto. Para malaman niyo, para niyo na rin akong minaliit at ininsulto nung ginawa niyo 'yun. Ngayon, sawang-sawa na ako sa inyong lahat. Dapat pala noon ko pa narealize na simula nung dumating ako sa mundong ito, nandito lang ako para maging shiled niyo. Pinalaki at sinanay ako nang napakahirap para lang maging bakod ng pamilya Alvarez. Hindi para makakuha ng pagmamahal o kalinga mula sa inyo,” sabi ni Rafael, inilalabas ang lahat ng saloobing matagal na niyang kinikimkim.