Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Daddy is the Prime Minister

My Daddy is the Prime Minister

"We're look alike Mr. so i think you're my father." -Spade Cedric Camnice Anong gagawin ni Samantha kung mismong anak na niya ang naghahanap sa tunay nitong ama. Mapigilan kaya niya ang kagustuhan nitong makilala at tanungin nito ang dahilan bakit sila iniwan? Paano ipapaliwanag ni Samantha sa kaniyang anak na nabuo lang ito dahil sa isang gabing wala siyang maalala dahil sa kalasingan. Ngunit, paano kung ang hinahanap na ama ng kaniyang anak ay isa palang Prime Minister mula pa sa Romania? May pag-asa kayang mabuo ang isang pamilyang nagsimula lang sa isang one night stand?
1012.2K viewsOngoingAdded to Library 268 Times as space ghost
Read
+Library
I have your son, Mister Billionaire

I have your son, Mister Billionaire

BLURB: Suraidah Agos and Crane Laviste were classmates before. Noong gabi pagkatapos ng acquaintance party ng kanilang paaralan ay nagkaroon sila ng hindi inaasahang encounter na nauwi sa pagdadalang-tao ni Suraidah. Lasing si Crane noong gabing iyon kaya ay hindi niya alam na si Suraidah ang babaeng kaniig niya. Itinago naman ni Suraidah ang katotohanan na iyon at hanggang ngayon ay pilit niya itong inililihim. Subalit muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawa nang magkita sina Crane at Caelan, anak nila ni Suraidah. Malalaman kaya ni Crane na anak niya si Caelan? O paninindigan ni Suraidah ang layuning ilayo ang anak sa Daddy nitong Billionaire?
15 viewsOngoing
Read
+Library
Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)

Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)

"Be my bed warmer. I'll give you everything you want just to pleasure me. This is a win win opportunity, Ms. Candelario... You will have my wealth, and I can have your body. Tubusin mo lahat ng kasalanan mo." ~Michael "Mickey" La Vierre. --- Dating famous sa high school si Fortuna Candelario. Nakilala siya sa ganda niya. Maraming nagkakagusto sa kaniya at isa na roon si Michael "Mickey" La Vierre na isang mataba at tahimik na lalaki. Dahil hindi tipo ni Fortuna si Mickey ay ni-reject niya ang panliligaw nito. Ito ang naging dahilan ni Mickey kaya't ipinangako niya sa sarili niya na babaguhin niya ang kaniyang pisikal na anyo, at balang araw ay magkikita sila ni Fortuna. Sa paglipas ng limang taon ay naging single mom si Fortuna sa nag-iisang anak na lalaki, si Vincent. Hindi naging maganda ang takbo ng buhay niya dahil mag-isa niyang itinataguyod ang anak. Bukod pa rito ay biglang bumagsak ang iniwang negosyo ng kaniyang ama. At nalaman ni Fortuna na si Michael "Mickey" La Vierre na ang nagmamay-ari nito. Ano nga ba ang magagawa ni Fortuna para mabawi ang dugo't pawis at luha ng kaniyang pamilya? Handa ba siyang gawin ang lahat kahit na siya mismo ang kapalit nito?
209 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as space ghost
Read
+Library
SECRETS and BETRAYALS: Isla and Silas Hidden Child

SECRETS and BETRAYALS: Isla and Silas Hidden Child

May pangunahing dalawang lihim sa naging kasal ni Isla Montgomery kay Silas Kensington. Una, hinahamak at kinamumuhian siya ng pamilya Kensington bilang manugang, at halos buong angkan nila ang nag-uudyok kay Silas na pumirma ng kasunduan ng hiwalayan bago pa man ang kanilang kasal—nang hindi alam ni Isla. At ang kasal din nila ay magiging epektibo lamang tumagal ng pitong taon. Pangalawa, lihim na nagsilang ng anak na babae si Isla na itinago naman kay Silas. Sa loob ng pitong taong pagsasama, hindi man lang nalaman ni Silas na may limang taong gulang na pala siyang supling. Tatlong buwan bago magkabisa ang kanilang kasunduan nang matuklasan pa ni Isla ang isa pang lihim ng asawa. Nadurog ang puso ni Isla nang labis nang dahil doon. Dito na ang babae nagdesisyong hindi na kailanman ipapaalam na may anak sila. Buong tapang siyang nakipaghiwalay, iniwan ang asawa at walang pakundangang itinakas ang kanilang anak.
10124 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as space ghost
Read
+Library
Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Nagkaroon ng malaking pagkakautang si Laica kay Hendrick Montañez nang ang binata ang gumawa ng paraan upang maisalba ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid. Isang bagay iyon na wala siyang kaalam-alam. Ang tanging malinaw kay Laica ay ang pagkamuhing nadarama ni Hendrick para sa kanya dahil sa pag-aakalang mas pinili niya ang pera kaysa sa relasyon nilang dalawa. Lumipas ang maraming taon. Nang muling magkrus ang kanilang mga landas ay naniningil na ang binata sa malaking halagang nagastos nito para sa kapatid niya. But how can she ever pay him if what he wants is for her to... marry him? Would she agree knowing that what he's offering is nothing but a contract marriage? That she needs to be his wife just for business purposes? Or she would take his offer, not only to pay her debt, but because deep inside, she's hoping that he loves her still? "Magiging asawa lang kita sa papel, Laica. We'll stay married 'til I get the company. Once it's done, we'll have an annulment. Don't worry 'cause it would be easy since I don't have any plan to consume our marriage..."
1023.2K viewsCompletedAdded to Library 627 Times as space ghost
Read
+Library
Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Para sa single mom na si Aella Vergara, simple lang ang batas para makatira sa murang paupahan ng bilyonaryong si Zion Monteverde at ito ay huwag gagawa ng ingay. Ngunit ang kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Luna Elise ay may ibang plano. Ginawa ni Luna na personal playground ang mansiyon ni Zion. Mula sa pag-ubos ng mga imported nitong cookies hanggang sa paglilista nito sa masungit na landlord bilang kaniyang daddy sa school activities ay unti-unting napalapit ang loob ng striktong bilyonaryo sa mag-ina. Akala ni Aella, isang gasgas na rom-com ang buhay niya kung saan lumalambot ang puso ng isang supladong lalaki dahil sa kakyutan ng isang bata. Ngunit nagkamali siya. Isang gabi, narinig ni Aella si Luna na may seryosong kausap sa laruan nitong walkie-talkie: “Boss Daddy, niyakap ka na ni Mommy sa harap ko kanina. Sabi mo may dagdag na dalawang laruan ako bukas, ah? Deal is a deal!” Ang katotohanan? Hindi aksidente ang pagiging malapit ni Zion sa kanila. Si Zion mismo ang kumuha kay Luna bilang isang lihim at sinusuhulang "baby wingman." Dahil si Aella ang babaeng matagal nang hinahanap ng bilyonaryo matapos nitong iligtas ito taon na ang nakararaan. Upang mapalapit nang hindi nagmumuhang stalker, sinuhulan ni Zion si Luna gamit ang unlimited toys at ice cream para i-manipula ang sarili nitong ina. Pero ang malaking katanungan ay kung sino ngayon ang tunay na Boss? Ang landlord na nagpanggap na naperwisyo, o ang tatlong taong gulang na bata na mas magaling pa sa CEO kung magpatakbo ng negosyo ng pag-ibig?
10157 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as space ghost
Read
+Library
Nadisgrasya Ko Si Gracia!

Nadisgrasya Ko Si Gracia!

Nadisgrasya ng dating amo! Dalawang taong nanilbihan ang dalagang si Gracia Clavero sa pamilya Orezo, ngunit dahil sa hindi inaasahang gabi nila ng binatang bilyonaryong si Rommel Orezo ay iniwan niya ang kaniyang trabaho upang hindi na ito makita pa. At hindi inaasahan ni Gracia na magbubunga ang pagkakadisgrasya sa kaniya ng dating amo. Tuluyan na niyang nilimot ang gabing 'yon ngunit matapos lamang ng anim na taon ay muli, nagtagpo sina Gracia at Rommel sa hindi magandang paraan, dahilan kaya't nadisgrasya ang binata at nawalan ng memorya. Tanging si Gracia ang kaniyang nais dahil sa pag-aakalang... asawa niya 'to. Ano nga ba ang magagawa ni Gracia sa dati niyang among nakadisgrasya sa kaniya?
1078 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as space ghost
Read
+Library
Hiding My Student's Son

Hiding My Student's Son

Tila dream come true para sa isang single mom na si Ria Salazar ang makapagturo sa kilalang unibersidad sa bansa, ang Maxford University. Bukod sa nabigyan siya ng matinding breakthrough ay malaking tulong din iyon upang maibigay niya ang pangangailangan ng tatlong taong gulang niyang anak na si Kian. Pero unang araw niya pa lang ay agad na nagulo ang buhay niya nang pumasok sa klase niya ang 22-anyos na estudyanteng si Keith Jasper Sawada. Hindi siya makapaniwala dahil ang lalaking ito ay ang nakabuntis sa kanya apat na taon ang nakalilipas! At that point, Ria felt nothing but anger and distress after the abandonment he'd done before, so she kept the truth about their son. Pero gaano katagal maitatago ni Ria ang totoo kay Keith gayong tila hindi umaayon ang tadhana sa gusto niyang mangyari? "That boy, why on earth does he look like me?" -Keith
101.4K viewsOngoingAdded to Library 31 Times as space ghost
Read
+Library
After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

Sa araw ng libing ng kanyang ina, natabunan ng katahimikan ang mundo ni Amara Alvarez. Samantalang sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking tinawag niyang asawa ay nagdiriwang, isang marangyang birthday party, inihahandog hindi para sa kanya, kundi para sa unang babaeng minahal nito. Doon niya tuluyang naunawaan ang lahat. Hindi siya kailanman minahal. At ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala ring saysay ipaglaban. Tahimik niyang iniwan ang mga papeles ng diborsyo. Tahimik niyang isinara ang buhay na ipinagkatiwala rito. At sa katahimikang iyon, ipinaalam din niya ang batang dinadala kasabay ng pagtalikod niya sa lahat ng dati niyang pinanghawakan. Lumisan si Amara mag-isa. Pagkaraan ng limang taon, sa isang marangyang auction, muling napatigil ang mundo. Ang punong auctioneer—nakasuot ng makintab na bestida at may puting belo sa mukha ay naging sentro ng atensyon. Kumipot ang mga mata ni Nardo Morales. May kung anong pamilyar sa tinig, sa tindig, at presensiya nito. “Ang pangalan niya… Amara?” “Opo,” sagot ng kanyang assistant. “May nag-alok ng milyon-milyon para makita ang kanyang mukha, pero tumanggi siya.” Sa sandaling iyon, parang may bumagsak na pader sa kanyang dibdib. Ang babaeng limang taon niyang hinanap at pinakawalan ay nasa harap na niya. Kinagabihan, sa isang madilim na interseksyon, hinarang niya ang dinaanan nito. “Auctioneer Mara,” malamig niyang wika, “hanggang kailan ka tatakas?” Huminto siya. Hindi man lang lumingon. “Mr. Morales,” matatag niyang sagot, “diborsyado na tayo.” “Hindi ako pumayag.” Bumigat ang tinig niya. “Nasaan ang anak ko?” Dahan-dahan siyang humarap. “Mr. Morales, tila kayo ang nakalimot. Limang taon na ang nakalipas mula nang nagpapalaglag ako.” Nanigas ang kanyang mukha. “Kung ganoon,” mariing sabi niya, “ano ito?” Sa harap ni Amara, tatlong batang limang taong gulang ang sabay-sabay na humakbang pasulong, nakahanay, magkakahawig ang mga mata, at malinaw na malinaw ang sagot sa tanong niya.
10496 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as space ghost
Read
+Library
Playing With My Boss

Playing With My Boss

Mahal na mahal nina Mathia at Draken ang isa't isa at halos hindi sila mapaghiwalay ng tadhana. Nangyari ang nangyari sa kanilang mga buhay at magbubunga 'yon ng isang bata na nasa sinapupunan ni Mathia. Ngunit imbis na sumaya ay nalungkot at halos bumigat ang pakiramdam ni Mathia nang bigla siyang iwan ng kasintahang si Draken. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngunit nagpakatatag siya para sa anak. At sa hinaba-haba ng panahong lumipas, muling magkikita ang dalawa gayundin ay masisilayan ni Draken ang kaniyang anak sa dating nobya. Bakit nga ba nagawang iwan ni Draken ang kaniyang mag-ina?
9.626.9K viewsOngoingAdded to Library 943 Times as space ghost
Read
+Library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status