Diary Ng XXX Celebrity
Ang hangin dito, grabe, sariwa at mapapakanta ka talaga ng song ni Taylor swift na ang title ay August, talaga namang salt air ang eksena dito.
“Welcome to Lopez Beach Resort,” sabi ni Boss Ravi. Kanila pala ito, kung hindi niya binanggit ang Lopez, hindi ko malalaman na kanila ito. Pagpasok sa loob, siyempre, parang wala na sa kaniya ang ganda ng buong paligid, sanay na siguro siya sa ganitong lugar. Ako nga, parang gusto ko nang tanggalin ang sapatos ko at tumakbo sa buhangin.