The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)
Nang mga nakaraang buwan, hindi kami makapagmasarap na ulam kahit sahod ko dahil pinaglalaanan namin ang mga gastusin sa bahay at school ng kambal pero ngayon, pakiramdam ko naman ay pwede kaming magmasarap na ulam.
"Oo nga inay, hindi na kami nakakakain ng masarap na ulam" kumento ni Solar.
"Hindi ba masarap ang luto ni inay?" Tatawa tawang tanong ni inay.
"Inay, hindi sa ganun," ngumuso si Solar. Ang cute talaga ng batang ito.
"O'sya, paglulutuan ko kayo bukas ng masarap-- anong gusto nyo? Menudo o pininyahan?" Tila agad nagliwanag ang mata ng dalawa kong kapatid sa sinabi ni inay.
ตอนยอดนิยม