Kakaibang Init (SPG)
Ralia POV
Hindi ko alam kung ilang tagay na ang nilaklak ko. Ang huling naaalala ko, sinasabi ni Borgie na malungkot daw ang alak kapag hindi inuubos, kaya ayun—inubos ko. At ngayon, habang nakahiga ako sa sofa ng condo ni Borgie, umiikot na ‘yung kisame na parang mababait na merry-go-round ng perya.