Death Whisperer
"Niloloko mo ba ako? O sige, baka naman panaginip lang ito. Alam mo bang minsan nako-control ko yung mga panaginip ko? Kaya ko sigurong hanapin yung daan palabas kahit wala ang tulong mo."
Ibinaba ng lalaki ang kamay at inilagay muli sa bulsa. Hindi na nito matiis ang pagiging "ignorante" ng kausap kaya ginawa na nito ang dapat gawin. "Ok, makinig kang mabuti. Sa lugar na ito, wala kang ibang makikita kundi walang hanggang kadiliman, pero masasanay ka rin pagdating ng panahon. Maliban na nga lang pala sa palapag na ito, kasi may ilaw rito. Mayroon ding mga pagala-gala rito. Ito nga yung pinakapaborito kong lugar e! Ang ganda kasi. Pero pagbaba natin, wala ka nang ibang makikita. Huwag kang m
Hot Chapters