ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
Pagkaalis ni Steffie, agad namang sumibat si Clairox patungo sa Clinthon Estate Mansion.
Habang minamaneho ang sasakyan, dama niya ang bigat ng responsibilidad—hindi lang kay Steffie, kundi pati sa pamilya at angkan niyang matagal na ring may nakatagong sugat.
Pagdating sa marangal na mansyon, sinalubong siya ng mga ilaw na tila nagbabadya ng bigat ng pag-uusap na kanyang haharapin. Buo ang loob niyang kausapin ang ama-amahan niyang si Drick. Hindi siya nag-aksaya ng oras at diretso siyang pumasok sa malapad na bulwagan.
인기 회차