The Cold Hearted Gangsters
Ang tanging puwede mong maaninag ay ang nag-iisang bahay na nakatayo sa lugar na ‘to, lahat ay kulay puti kaya kahit madilim mapapansin mo pa rin ang bahay na ‘to.
Nakapuwesto na sina Grey at Red sa labas ng White Penthouse katulad sa planong sinabi sa kanila ni Zylan, ang kanilang pinuno. Nakatago sila sa magkakatabing puno, malapit sa kalsada, para salubungin ang mga bisita nila. Ang pinagpuwestuhan nila ay may kalayuan sa kanilang White Penthouse katulad ng nasa plano, huwag hahayaang makalusot sa kanila ang mga bisita. Kaya, napag-isipan nila na sasalubungin nila ang mga ito sa kanilang dadaanan na hindi nalalaman. Magkahiwalay sila ng puwesto, si Grey sa kanang bahagi ng kalsada at ang
Hot Chapters