THE SUBSTITUTE BRIDE: The obsessive love of Mr. Mercadejas
She thought that she has a happy ending with her boyfriend, pero mukhang na realized ng tadhana na walang ka twist-twist ang kanyang buhay pag-ibig, kaya naman ay sa unang araw na muling bumalik ang pandinig ni Calista ay siya rin ang araw na gumuho ang kanyang mundo.
Matapos ang maraming taon na pagiging bingi, ang unang narinig niya ay ang katibayan ng pagtataksil ng kanyang fiancé. At sa halip na umiyak ay kumilos siya agad. Matapos niyang pagsampalin ang dalawang nagtataksil sa kanya, gumawa siya ng isang matapang na desisyon.
Ang pakasalan niya si Rowan Mercadejas ang lalaking kilala bilang Cunning Tyrant, siya ang kapalit ng kanyang kapatid na tumakas dahil sa takot. Para sa ibang tao, ang kasalan na ito ay parang pagpunta sa sariling libingan. Ayon sa mga tsismis, si Rowan ay may malalang sakit at may nakakatakot na ugali, isang asawang iiwan lang siyang balo bago pa man matapos ang taon.