The Zillionaire's Abandoned Wife
Tuwa, dahil masaya si Xyza, sakit dahil alam niyang hindi ito muli masusundan lalo pa't malapit na silang magdivorce, at higit sa lahat ay guilt, dahil kahit sandali, gusto niyang maniwalang buo pa sila.
Ilang sandali lang matapos ang laro, habang paalis na sila sa playing area, biglang nadulas si Trixie sa damuhan.
“Arat—!” Napapikit siya, nasisigurado na ang kaniyang pagbagsak.
Pero hindi ang matigas na semento ang sumalo sa kanya.
Matigas, mainit, at may amoy ng pamilyar na pabango ang umatake sa ilong niya.