MagkaDugo
Inaayos ko ang malapad na payong habang si lola at nag aarrange ng mga biscuit, bilo bilo, puto mga mineral water at marami pang iba.
Inayos ko sa di-kalakihang cooler ang mga mineral at softdrinks. Nang may tumawag sa akin.
"Oh Lando! Ikaw pala yan!"
Si lola habang nakaupo na sa kahoy na upuan. Halong lalaki at babae ang grupo nila Lando.
"Opo lola! Manonood kami ng parada! Pabili naman po.."
Ngumiti ako at binigay sa kanila ang kanilang binili. Nagbigay ito ng five hundred pesos.