His Unexpected Obsession
" Tumango lang siya, walang salita, pero sapat na para mapangiti ulit ako.
Pagpasok ko sa dorm, nadatnan ko na agad ang tatlo na nag-aayos na.
"Aria... mukhang ang ganda ng mood mo ah," bati ni Kim habang pasimpleng sumulyap kay Maila na halatang nakasimangot.
"Pasok ka na ba ngayon?" tanong ni Jasmin.
"Ahmm... Hindi pa bukas pa," sagot ko, sabay abot ng mga pasalubong na chocolates sa kanila. Kita ko agad yung pagkislap ng mata ni Kim at Jasmin nang tanggapin nila, parang mga batang natuwa sa simpleng regalo.