My First Love
“Hindi ko sinasadyang umamin sa’yo. Wala pa sa plano ko ang magconfess, pero totoong mahal kita. Hindi ako nagbibiro, pero ayaw ko ng ganito tayong dalawa. Gusto ko maging magkaibigan pa rin tayo. Alam kong wala kang feelings para sa akin at tanggap ko ‘yun, pero huwag mo namang sayangin ang friendship na sinimulan na natin. Ayaw kong mawala ‘yun dahil mahalaga ka sa akin. Ayaw kitang mawala sa buhay ko. Kaya please, huwag mo na akong layuan dahil nahihirapan ako.”
“Sorry.” Agad na tumulo ang mga luha ni Hillaree dahil naapreciate niya ang mga sinabi ni Hezekiah para sa kaniya. Hindi niya inakala na meroon pang tao na ayaw siyang mawala at si Hezekiah pa lang ang nakakapagsabi ng gano’n sa k