A NIGHT OF POSSESSION
Parang may gustong basahin sa mukha ko.
Nagsimula ang hapunan sa magagaan na usapan, tungkol sa business, wedding preparations at family alliances. Mga bagay na para bang transaksyon lang ang kasal. Well, hindi nga ba?
“I’m thinking a winter wedding in Switzerland,” masayang suhestiyon ni Donya Emie. “It suits the Mondragon name.”
Ngumiti si Mama. “That sounds grand.”
Tumingin si Don Gerbacio sa akin.