Secrets Volume 1
Pero hindi ko inaasahan na darating ako sa pagkakataon ng buhay ko na ito na ako na lang mag-isa.
Umiiyak ako. Hindi naman dapat dahil alam kong masaya ka na pero kung minsan, sinasbi kong dinaya mo ako. Dinaya mo ako dahil nauna ka at hindi mo ako hinintay. I'm sorry, babe, for thinking this way. Hindi pa rin naman kasi nawawala iyong Lukas na matigas ang ulo. Nandito pa rin ako, hinihintay ka – pero hindi na ang pagbabalik mo. Hinhintay kong sunduin mo na ako. But that would be a long process. But I'll wait – no matter how long, I will wait, Apollo. Nakapaghintay na ako nang ganito katagal, hindi na siguro magiging mahirap ang susunod na mga araw o taon.
Hot Chapters