A Wife's Revenge
Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon, pero bakit parang may nagawa akong mali sa kaniya?
"Mari, okay ka lang ba talaga?" Biglang nabaling ang atensyon ko kay Lemuel nang marinig ko ang boses niya. Kaya, tumango ako sa kaniya at saglit na sinulyapan si Helix, na nasa likod pa rin namin habang kinakausap siya ng mga pulis sa labas. Seven years ago, noong una kaming naghiwalay ni Lemuel dahil nahuli ko siyang may kasamang ibang babae. I'm aware, lalaki lang din siya gaya ng ibang lalaki. Pero nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya, kahit na ipinaliwanag pa niya sa akin na wala silang relasyon ng babaeng iyon. After that, almost two months kaming hindi nagkita at nag-usap.
ตอนยอดนิยม