ANMELDENVIENRIELLE GEAE VALDERAMA Hindi pa ako nakakalayo nang sobra ng marinig ko muli ang boses ng babae. “YOU B*TCH!” sigaw niya. Isang malalim na paghinga ng pinakawalan ko bago unti-unting umikot paharap sa kanya. “Why? May nasabi ba akong hindi totoo?” “Wala kang alam tungkol sa amin ni Rourick!” “Talaga ba?” kunwari ay nag-isip ako. “Kung ganoon, bakit pakiramdam ko ay alam ko na lahat?" Nakita kong napahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang bag. Napangiti ako. “At least, pinakasalan niya ako kahit hindi pa kami natutulog nang magkasama. Not even once.” Napatigil siya. Samantalang si Amanda ay halos mabilaukan sa likuran ko. “Vienrielle...” mahinang saway nito. Hindi ko siya pinansin. “Eh ikaw?” Muli kong sinipat ang babae mula ulo hanggang paa. “Ilang beses ka na niyang ikinama, pero hindi ka man lang niya pinakasalan. Hindi ka nga niya mabigyan ng maayos na relasyon.” “Shut up!” “Why? Does it hurt?” Namumula na ang kaniyang mukha sa galit. “Rourick
VIENRIELLE GEAE VALDERAMA Mahigit isang buwan na rin mula nang huling beses kaming nagkita ni Amanda. Kaya naman nang yayain niya akong lumabas at magkape, agad akong pumayag. Sa totoo lang, wala rin naman akong ibang pinagkakaabalahan sa bahay. Nakakabagot. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Rourick na manatiling abala sa buong maghapon. Samantalang ako, halos wala nang maisip na gawin. Minsan ay nanonood ako ng mga palabas, nagbabasa, o kaya naman ay natutulog na lamang. At kapag hindi ko na kaya ang pagkabagot, lumalabas ako. Gaya ngayon. Nasa isang kilalang café kami ng matalik kong kaibigan. Medyo matao ang lugar, ngunit nakahanap naman kami ng komportableng puwesto sa may bintana. Pareho kaming may hawak na malamig na inumin habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa buhay namin nitong mga nakaraang linggo. “So, how's married life?” tanong niya habang nakangiting sinisipsip ang kaniyang inumin. Napairap ako. “Don't ask about it, Amanda." Agad siyang
ROURICK KAELAN MONTENEGRO Ilang araw na ang lumipas mula nang tambangan kami ni Darius, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming malinaw na pagkakakilanlan sa mga taong may pakana niyon.Hindi ako basta-bastang papayag na palampasin ang nangyari. Hindi ko hahayaan na hindi sila magbayad sa ginawa nila sa akin. At kailangan kong siguraduhin na hindi na muli iyon mangyayari, dahil baka sa oras na magtatangka ulit sila ay idadamay na nila si Vienrielle. Hindi iyon simpleng pagtatangka lamang na takutin ako. May malinaw na intensiyon silang patayin ako, at kung hindi naging maagap ang mga tauhan ko, maaaring hindi na ako nakabalik sa mansiyon nang gabing iyon.“May nakuha na ba tayong impormasyon tungkol sa kanila?” tanong ko habang nakatingin sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa.Nakatayo sa harapan ko si Darius, seryoso rin ang ekspresyon habang inilalahad ang mga impormasyong nakalap ng aming mga tauhan.“May dalawang sasakyan silang ginamit. Parehong walang plaka. Nakuha na ri
VIENRIELLE GEAE VALDERAMA “Umupo ka na nga lang diyan. Ako na ang bahala.” Iyon ang huli kong sinabi bago ko tuluyang inagaw mula kay Rourick ang sandok na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng lalaking ito para maisipan pang magluto sa kabila ng itsura niya. May sugat na nga siya, nakasuot pa ng suporta ang kaliwang braso, pero ang kulit-kulit pa ring gumawa ng mga bagay na hindi naman niya kailangang gawin. Kung hindi ko pa siya pinigilan, baka pati ang buong kusina ay madamay sa kagustuhan niyang maghanda ng hapunan. Sa huli, napaupo rin siya sa isa sa mga upuan sa may isla ng kusina. Nakaharap siya sa akin habang ako naman ang abala sa paghahanda ng pagkain. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin mula pa kanina. Para bang may kung anong palabas siyang pinapanood at ako ang pangunahing tauhan. Ilang beses ko siyang sinulyapan, ngunit sa halip na mahiya o umiwas, ngingitian pa niya ako. Nakakainis. “May problema ba?” tanong ko habang hinihiwa ang mga gula
VIENRIELLE GEAE VALDERAMA Nasa loob ako ng kuwarto at nakahiga sa kama habang abala sa paggamit ng aking cellphone. Tahimik ang buong bahay mula nang umalis si Rourick kasama si Darius at, sa totoo lang, mas gusto ko ang ganitong katahimikan. Wala akong naririnig na pang-aasar, walang biglaang paglitaw sa harapan ko, at higit sa lahat, walang lalaking tatawag sa akin ng kung anu-anong matatamis na pangalan. Napakagaan sa pakiramdam. Hanggang sa biglang may narinig akong malakas na kalabog mula sa labas. Napakunot ang noo ko. Napahinto ako sa pag-scroll nang makarinig muli ng isa pang malakas na tunog. Kasunod niyon ay ingay na parang may nabasag na gamit. Napaupo ako sa kama. "Ano na naman 'yon?" Ilang segundo akong nanatiling nakikinig. May sumunod pang kalabog. At pagkatapos ay may narinig akong tila may kung anong hinihila sa sahig. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang tumayo. Baka may nahulog na gamit sa kusina. O baka naman may naghahanda na ng hapunan
ROURICK KAELAN MONTENEGROI couldn't help but smile, habang pinagmamasdan siyang kumakain sa kabilang bahagi ng mesa.Tahimik na siya ngayon.Wala ang karaniwan niyang matatalim na salita. Wala rin ang mga pagbabanta niyang kung anu-ano ang gagawin niya sa akin kapag hindi ko siya tinigilan.Sa halip, abala siya sa pagkain ng almusal na inihanda ko. And somehow, that was enough to make my morning better.I watched her take another bite of the pasta. She seemed to be enjoying it, although I knew better than to expect her to admit it openly.Ganoon talaga siya.Palaging may masasabi. Palaging may reklamo. At halos lahat ng lumalabas sa bibig niya kapag ako ang kausap ay insulto.But I didn't mind.Not even a little.I knew what I was getting into when I insisted on marrying her. Alam kong hindi magiging madali ang pakikisama sa isang babaeng tulad ni Vienrielle Geae Valderama.She was stubborn, spoiled, outspoken, and had absolutely no problem making it clear whenever she didn't want me
SABRINA DE VERA'S POV Napapikit ako nang mariin habang pilit inaagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Let go of me!” galit kong saad, pilit hinahablot ang sarili ko habang hinihila niya ako papunta sa kotse niya. Ngunit parang wala siyang naririnig. Mas lalo lang humigpit ang hawak niy
SABRINA DE VERA'S POV (Continuation....) Nanlaki ang mata ko. Hindi agad pumasok sa utak ko ang nakikita ko. It doesn't make sense. How does this even happen? “What…?” mahina kong bulong. Mga pangalan. Lahat bf detalye maging ang perma ay naroon. Pati na ang pangalan ng taong nag kasal
CHAPTER 1 SABRINA DE VERA’S POV “Girl!!!” Pagpasok ko pa lang sa university, agad na akong sinalubong ng malalakas na boses. Napapikit ako saglit. Not today… please, not today. Pero huli na. “Sabrina!” sigaw ni Danica habang kumakaway pa, parang wala lang nangyari kagabi. “Oh my God,
SABRINA DE VERA’S POV “Annulment?” Parang bumagal ang mundo ko sa narinig kong salita. Napatigil ako sa paglalakad sa may hagdan, hawak pa rin ang strap ng bag ko habang nakatitig sa sala kung saan naroon si Mommy at ang kaibigan niya. “Matagal ko na itong iniisip,” narinig kong sabi ni Momm







