Novels
Short Stories

Genres

Romance×
All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Arrogant×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Arrogant Romance Web Novels & Stories

Explore Romance novels and web novels featuring Arrogant, with engaging stories and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
A Billionaire Husband for the Rejected Bride - Romance novels & stories
shining_girl
Sa loob ng apat na taon, wala nang ibang pinangarap si Elize Monteverde kundi ang maikasal sa kanyang nobyo na si Calvin Sarmiento. Subalit sa araw mismo ng kanilang kasal, hindi sumipot si Calvin sa simbahan dahil mas inuna nitong tulungan ang kababata nito na humingi rito ng saklolo. Dahil labis na nasaktan, nagpasya si Elize na makipaghiwalay sa nobyo, magpakalayo-layo at muling makipagkasundo sa kanyang pamilya na nakasamaan niya ng loob mula nang piliin niya ang tawag ng pag-ibig kaysa sa pakiusap ng mga ito. Sa muling pagbangon ni Elize, muli niyang bubuuin ang kanyang buhay at mga pangarap sa tulong ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. At kung kailan inaakala ng dalaga na maayos na ang takbo ng kanyang buhay, saka niya makikilala si Rafael Dominic Del Fierro o Ralph, ang bilyonaryong kinatatakutan ng lahat dahil sa magaspang na pag-uugali nito. They will share one drunken night together, prompting Ralph to offer her marriage the next day. “K-kasal? Hindi ginagawang biro ang kasal, Mr. Del Fierro,” ani Elize, puno ng pagtutol ang tinig. “And who told you I’m joking? I’m dead serious. Marry me, Ms. Monteverde.” “P-pero bakit? It’s just a one-night-stand!” Umangat ang gilid ng labi ni Ralph. “I only have one reason, your brother is my enemy. Now, you marry me or you will never ever go back to your family.” Napasinghap si Elize, nanginig. Ano na naman ba iyong pagkakamaling nagawa niya?
10
20.5K
I Was Forced To Marry My Enemy - Romance novels & stories
JENEVIEVE
Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
10
23.6K
When My Husband Chose His Ex - Romance novels & stories
Author Rain
Si Daisy ay masayang namumuhay kasama ang kanyang asawang si Vince hanggang sa matuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko nito. Isang araw, may nakita siyang post sa social media tungkol sa isang napakagandang mansyon na halos kapareho ng mansyon na ipinatayo ni Vince para sa kanya. Pareho ang disenyo, ang fountain, at maging ang kabuuang ayos ng bahay. Ngunit may isang detalyeng agad na nakakuha ng kanyang pansin. Sa kanilang mansyon, punong-puno ng daisy ang hardin dahil iyon ang paborito niyang bulaklak. Samantalang ang hardin ng kabilang mansyon ay napapalibutan ng libu-libong rosas. Rose. Iyon ang pangalan ng dating kasintahan ni Vince. Dahil sa matinding pagdududa, lihim niyang sinundan ang asawa. At doon niya natuklasan ang pinakamasakit na katotohanan. Sa mismong mansyong nakita niya sa social media, nasaksihan niyang masayang niyayakap ni Vince ang dating kasintahang si Rose, habang isang batang lalaki ang masayang tumatakbo papunta rito at tinatawag itong Daddy. Labis na nadurog ang puso ni Daisy. Mas masakit pa rito, limang taon na ang nakalipas mula noong isakripisyo niya ang kanilang anak at ang kakayahan niyang magkaanak upang mailigtas ang buhay ni Vince. Nangako noon si Vince na mamahalin siya nito habambuhay kahit hindi na niya ito mabigyan ng anak, pero nilabag nito ang pangakong iyon dahil bumuntis ito ng ibang babae. Nagpasya si Daisy na iwanan ang asawa, pero nalaman niyang hindi pala legal ang kasal nila. Upang makapagsimula ng panibagong buhay, tinanggap niya ang alok na kasal ni Mr. Torres sa anak nitong si River, isa sa mga business rival ng Lawrence Group.
10
23.6K
Ramona's Obsession (Tagalog) - Romance novels & stories
iamAexyz
ESCALANTE SERIES 1: RAMONA ESCALANTE Ginawa ni Ramona ang lahat para makuha ang atensyon ni Nero pero sa daming beses niyang pagtatangka kahit isang beses hindi siya nagtagumpay. Pero bakit tuwing nababaling ang atensyon niya sa iba ay tila nagagalit ito? Hanggang saan aabot ang kanyang obsesyon para sa lalaki? Kaya ba niyang tanggapin ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa nararamdaman niya? Paano kung kailan sumuko na siya saka naman ito naghahabol at ayaw siyang pakawalan? Handa ba siyang mabaliw muli para dito o talagang tinapos na niya ang kahibangan niya para lalaki?
10
21.4K
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET - Romance novels & stories
miss_hannacalie
Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
9.5
22.8K
Hiding My Professor's Daughter - Romance novels & stories
Venera
(GORGEOUS MEN SERIES 39: Michael "Mavi" Villahermosa) Tinakwil siya ng kanyang ama dahil sa biglaang pagbubuntis. Kalaunan, iniwan naman siya ng kanyang kasintahan dahil sa maling akala. Naging mapagbiro man ang tadhana, hindi 'yon naging hadlang para buhayin ni Vesper ang anak niyang si Myla. Makalipas ang walong taon, nagpasya si Vesper na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo alang-alang sa future nilang mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Mavi Villahermosa—ang ex-boyfriend niya na ngayo'y isa nang ganap na propesor sa paaralan! Naalarma si Vesper gayong maliit na ang mundong ginagalawan nila. Isa lang ang nakatatak sa isip niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya hahayaang makita ni Mavi ang kanilang anak! Ngunit isang araw, natunton ng lalaki ang tinitirahan niya at nasurpresa siya sa kanyang naabutan... "Bakit mo yakap-yakap ang anak ko?!" *** Started: May 25, 2022 Finished: February 18, 2023 Sequel: Hiding My Student's Son
10
20.9K
THE COLD HUSBAND (LEE BROTHERS #3) - Romance novels & stories
Miss Ahyenxii
"Huwag kang umasa na mamahalin kita. Hindi 'yon mangyayari." -Dr. Love Andrei Lee Dr. Love Andrei Lee had it all: fame, a brilliant doctor and a charismatic professor, beloved by his family and admired by his students. Even his future seemed perfectly crafted with an arranged marriage to the graceful model, Euphrosyne Saoirse Arcanway a.k.a "Ishay". Ngunit bago pa man niya ito makilala ay nahulog na siya sa ibang babae, dahilan para ikansel niya ang engagement at balewalain ang kaniyang mana. Then, fate delivered a crashing blow. On the day he proposed, his world collapsed—his girlfriend left him, choosing her career overseas, leaving him in pieces. Shattered and humiliated, Love Andrei found himself forced back into the arranged marriage he had once rejected. But his broken heart twisted into something darker nang mapag-alaman na si Ishay ang dahilan ng pakikipaghiwalay at paglayo ng kaniyang dating nobya. In his eyes, Ishay was not only his unwanted bride but the villain in his story. With a heart hardened by loss and bitterness, he turned their marriage into a battleground, determined to make Ishay's life a living nightmare.
9.9
24.5K
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE - Romance novels & stories
SKYGOODNOVEL
"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
10
20.2K
The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE - Romance novels & stories
Lianna
Helious Shawn Saavedra was given the surprise of his life nung malaman niya na may anak na pala siya. Si Hunter, ang batang iniwan ng naka one night stand niya sa isang ampunan. And the worse thing, may sakit ang bata kaya naman lalo siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babaeng iyon. Carrine Esguerra, isang simpleng babae na nagkataong kamukha ng nanay ni Hunter. Nagpanggap siya bilang si Simonne Legazpi at hindi niya napigilang ma-inlove kay Helious. Paano na ang pagmamahal niya gayung biglang bumalik si Simonne para bawiin, hindi lang si Hunter pero pati na din si Helious? Makakaya ba niyang magparaya para mabuo ang pangarap ni Hunter na isang masaya at buong pamilya?
10
24.2K
PURCHASED BY HIM - Romance novels & stories
Heel Kisser
CONTENT WARNING: Please note that this book contains sensitive themes and includes explicit scenes, making up approximately 20% of its content. It is intended for mature readers only. _ "Teka lang, Sir! A-Ano kasi eh..." Napangiwi si Mahal habang naghahagilap ng mairarason dito sa lalaking ito na binili siya sa Auction. "Are you kidding me? 'Teka lang?' Are you sure that's really 'teka lang?" Napayuko na lang siya dahil sa pagalit na natanong ng lalaki. Halatang napipikon na sa kaniya. Inilapit pa nito ang mukha sa kaniya para iparamdam sa kaniya ang inis nito at nagsalita, "Remember, I paid a hefty 10.5 million at the auction just to purchase you. You wouldn't have even set foot in that auction if you hadn't given your consent. So now that you're under my ownership, don't think you can fool me with your usual 'teka lang, sir' tactics kasi kabisado ko na 'yan." Para siyang tinanggalan ng utak na nakatunganga sa pinagsasabi nito na ang tanging naintindihan lang ay ang salitang, 'kabisado ko na 'yan.' Ano naman ang alam niya sa English kasi tulog naman siya lagi sa subject na iyon noong nag-aaral pa siya. Para naman huminahon ito, nagsalita na lang siya. "Ahm...wag ka na magalit sir, maghuhugas lang naman ako. Ayaw mo naman ng mabaho, diba?"
10
22.2K
His Runaway Wife - Romance novels & stories
Zairalyah_dezai
BLURB: Five years ago, Althea ran away from her marriage. No goodbyes, no explanations—just a desperate escape from a life she never wanted. Now, fate plays a cruel joke on her when she unknowingly applies for a job at Montevista Group of Companies, only to come face-to-face with the man she abandoned… Xander Montevista He’s no longer the reckless man she once knew. He’s powerful. Dangerous. And merciless. At sa unang araw pa lang ng trabaho niya, isang nakakakilabot na tanong ang sumalubong sa kanya— "Are you still a virgin, my wife?" And just like that, her nightmare begins. Xander is furious. He wants answers. He wants revenge. But above all—he wants her back. And this time… Althea can never escape him again.
10
21.4K
MR.CEO and ME - Romance novels & stories
Lanny Rodriguez
Sanay si Dominic Villaruel, isang gwapong bilyonaryo at may-ari ng kilalang hotel chain, na habulin at pagsilbihan ng mga babaeng halos mag-unahan para lamang mapansin siya. Dahil sa tingin niya’y pare-pareho lang ang lahat—nahuhulog sa kanyang yaman at sa kinang ng kanyang kagwapuhan—hindi niya kailanman sineseryoso ang pag-ibig. Mayabang, arogante, at sarado ang puso; iyon ang mundong matagal na niyang nakasanayan. Ngunit biglang nag-iba ang lahat nang makilala niya si Mira Santos, isang tahimik at introvert na staff sa kanyang hotel. Sa unang pagkikita, ni hindi siya nito binigyan ng tingin—para bang ang kinang ng kanyang itsura ay wala lang. Sa halip na ikababa ng kanyang ego, mas lalo siyang naiintriga. Unti-unti, natuklasan ni Dominic na sa likod ng pagiging mahiyain ni Mira ay may matatag at matalinong babaeng kayang suwayin ang kanyang kayabangan. At sa bawat saglit na magkasama sila, tila isang pana ng kupido ang muling bumuhay sa pusong matagal nang naniniwala na hindi na muling iibig. Hindi niya akalain—ang babaeng hindi man lang siya pinapansin ang siya palang dahilan ng pagbagsak ng kanyang pusong matagal nang sarado sa pag-ibig.
10
21.0K
A Love So Wild - Romance novels & stories
Shanelaurice
"What's wrong with us making love Clark? I.. I like you, kaya anong mali sa gagawin natin?" Halos manginig ang kanyang boses. He smile weakly saka inayos muli ang kanyang roba. "Someday you'll going to thank me for not making love with you tonight." Iyon lang at tuluyan na itong tumalikod at tinungo ang pinto. "No Clark.." She whisper. Papalabas na ito. "Someday you'll going to regret not making love with me tonight." Puno ng pait na sambit niya. -----<<>>----- Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig? Ano ang kaya mong ibigay para sa pagmamahal? Paano kung ginawa mo na ang lahat ay hindi pa rin sapat? Arabella Santana, the sole heiress of Don Armando Santana, a billionaire magnate. Spoiled rotten by her father. What Arabella wants... Arabella gets. But not Simon Clark Dela Fuente. Tahasan pa rin nitong tinanggihan ang kanyang pag-ibig kahit handa niyang ibigay ang lahat-lahat.
10
26.2K
A Stepbrother's Burning Desire - Romance novels & stories
Serene Hope
Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
10
23.7K
THE MAFIA'S WIFE  - Romance novels & stories
JADE DELFINO
Si Elvis Ciena Costello, 25 taong gulang, ay isang mabait, matulungin, at masayahing tao. Palakaibigan siya at itinuturing na pamilya ang mga tao sa paligid niya, ngunit hindi niya inaasahan na pagtataksilan siya ng mga ito. Mayroon siyang kasintahan at limang taon na silang magkasama. Subalit, nang malaman niyang niloloko siya ng kasintahan niya, tuluyan niya itong iniwan at hindi na muling binalikan. Dahil sa sakit na naramdaman, nagpakalasing siya isang gabi at natulog sa piling ng isang lalaking hindi niya kilala. Maya-maya, nalaman niyang ang lalaking iyon ay isang lider ng mafia. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Pananagutan kaya siya ng lalaki, o basta na lang siya pakakawalan?
9.9
23.2K
The Tycoon's Unexpected Wife - Romance novels & stories
NORWEINA
Marriage? Not Hillary Gail Bermudez's style. But when she's unexpectedly engaged to Tycoon Billionaire Hugo Gabriel Gavinski, sparks—of the explosive kind—fly. Their love-hate relationship is a fiery dance of wills, a battle of wits that could lead to unexpected passion... or total destruction.
10
27.3K
My Fiancé's Daddy Saves Me  - Romance novels & stories
Red Angel1221
Warning: Mature Content‼️ Estudyante sa umaga, waitress sa gabi.Iyan ang buhay ni Emily. Lumaki siyang kulang sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.Kailangan niyang magtrabaho para sa sarili upang matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa inalok siya ng kasal ng kanyang mayamang boyfriend.Na nakilala lang niya sa bar na pinagtrabahuan niya. Akala niya makatakas na siya sa hirap ng buhay na dinanas niya sa sarili niyang pamilya.Ngunit higit pala ang maranasan niya sa mansiyon ng kanyang fiancé. Si Ethan Castillo- Her fiance's daddy.A cold hearted man and arrogant billionaire.Ngunit hindi niya maitanggi ang taglay nitong kakisigan. Hindi lang sa hamon ng buhay ang nagpapahirap sa kanya sa puder ng fiancé niya Pati na din ang puso niyang unti-unting nahuhulog sa daddy ng lalaking papakasalan niya. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang bawal na pagmamahal? Kaya niya bang iwan ang fiancé niya para sa daddy nito?
10
26.9K
Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS - Romance novels & stories
Cathy
Isang buwan bago ang kasal, tumakas ang kakambal ni Mikyla Ventura na si Zyra Ventura sa fiancé nitong si Arif Fulgencio. Ang dahilan nagbago ang isip at hindi mahal ang lalaki. Upang maiwasan ang kahihiyan, nagpasya ang magkabilang panig na si Mikyla na muna ang papalit bilang bride ni Arif. Tutal, identical twin naman silang dalawa ni Zyra. Pero, tutol dito si Mikyla. Lalo na at hindi naman sila magkasundo ni Arif. Noon pa man, tingin niya na kay Arif ay isang arogante, barumbado, basagulero at higit sa lahat, masama ang ugali. Isa pa, ayaw niyang sumalo sa tira ng iba. Lalo na nang kakambal niya. Pero, ano ang gagawin niya kung si Arif Fulgencio na din mismo ang gumagawa ng paraan para siya na lang ang sumalo sa iniwan ng kakambal niya? “I've changed my mind.. Ikaw na lang ang magpakasal sa akin tutal, mukhang wala nang balak pang bumalik ang kakambal mo!” seryosong wika ni Arif kay Mikyla. Kaagad din namang tumutol ang kalooban ng dalaga pero kaya niya bang baliwalain ang pakiusap ng mga magulang niya? Kapag hindi siya sumunod sa nais ng mga ito, malulugi ang negosyo at ha-huntingin ng mga Fulgencio si Zyra. Kaya niya bang makita na mapahamak ang lahat ng mga mahal niya sa buhay?
10
20.7K
Bound To My Boss - Romance novels & stories
thegreatestjan
“You'll be my wife until I receive the inheritance. After that, we go our separate ways. Don’t worry—I’ll make sure you get your fair share.” — Walter Robles Desperadang madagdagan ang suweldo, pumayag si Samantha sa alok ng kaniyang boss na si Walter—magpanggap bilang nobya nito sa isang family event. Isang araw lang sana ang usapan. Pero nagbago ang lahat nang pumayag si Walter sa kasunduang iniatang ng pamilya: Walang kasal at asawa, walang mana. Dahil may makukuha rin siya, muling pumayag si Samantha. Pero ngayon ay hindi na bilang nobya kung hindi bilang asawa. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti-unti silang nalulunod sa emosyon na wala dapat doon. Pipiliin kaya nilang panindigan ang kanilang kasunduan?
10
26.4K 11 reviews
You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon - Romance novels & stories
Sweet Pancakes
Ilang taon nang kasal si Adelaide Rufino sa nag-iisang tagapagmana ng Villareal Group. Sa mata ng lahat, isa siyang masuwerteng asawa. Pero sa loob ng bahay ng mga Villareal, isa lang siyang bisita na hindi kailanman tinanggap. Ginawa niya ang lahat para mapabilang. Nagpakapagod, nagpakasakripisyo, at halos mawala ang sarili, basta lang may mapatunayan sa pamilya ng asawang si Felix Villareal. Hanggang sa isang araw, gumuho ang mundo niya. Nalaman niyang peke ang kasal nila. Hindi siya ang tunay na Mrs. Villareal. Ang pangalan sa likod ng lahat ng papeles ay sa matalik niyang kaibigang si Angela. Mas masakit pa, alam ito ng mga magulang ni Felix mula pa sa simula. At ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman tinanggap ay simple at malupit. Hindi siya makapagbigay ng tagapagmana. Baog siya dahil sa isang aksidenteng nangyari habang inililigtas ang lalaking inakala niyang asawa. Sa araw na iyon, nawala ang pagmamahal. Napalitan ito ng pagsisisi. Pero hindi si Adelaide ang babaeng mananatiling nakaluhod sa sakit. Sa halip na magmukmok, gumawa siya ng plano. Isang planong sisira sa mga taong nagnakaw ng tiwala, panahon, at buhay niya. At ang unang hakbang ng kanyang paghihiganti ay ang pagtanggap niya ng kontrata bilang Mrs. Yuchengco. Hindi para magmahal. Kundi para gumanti. Gagawin niya ang lahat, mapagbagsak lang ang mga ito, kahit pa ipagkuno niya ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala.
9.9
24.8K
PREV
12345

You May Also Like

The Lust Love
The Lust Love
Romance · MeteorComets
243.0K views
Under My Father In-Law's Touch
Under My Father In-Law's Touch
Romance · kkyrieehale
280.8K views
Trapped In His Arms (Tagalog)
Trapped In His Arms (Tagalog)
Romance · maria adelle
333.3K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status