THE SEX CONTRACT
At ang pakiramdam na yon gusto kong kay Dark agad ibalita.
5:15 ng hapon, nasa shop na si Dark. Inabutan niya akong naghihintay sa unang palapag, nasa couch at tulalang inuugoy ang aking paa habang yakap ko ang sarili ko.
Gamit ang cellphone app, pinalabo ko ang salaming dingding ng shop, mula sa clear to frosted. Ginastusan ko talaga ito ng PDLC smart films gaya ng nasa opisina ni Dark. Alam kong may mga oras na kailangan kong maging listo kung paano pananatilihin ang privacy namin sa napakaliit na espasyo.