Chasing Solace
Pero alam ko rin ang limitasyon ng budget, kaya't tiniis ko muna at naisipang kumain na lang kapag suweldo na.
"Oy, Pams! Isaw oh!" Inalok ako ni Manong Ambo na, sa amoy ng alak, halatang nakainom na naman. "Libre ko na!" sabi pa niya, kaya nahihiya akong tumanggi.
"Naku, hindi na po!" tugon ko, pilit na ngumingiti. "Baka malugi kayo niyan, Manong."