Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)
buong puso kong sabi sa kanya.
"O, 'kala ko kahapon ang dating niyo? Hinihintay namin kayo, eh," ani Eya nang magkakasalo na kami sa pananghalian sa Del Fuentes Luxury Resort. Saktong lunch time na nang makarating kami ni Maui doon. Totoo nga, napakaganda ng lugar. Santorini sa Greece ang konsepto ng resort at ang halos nangingibabaw na kulay ng mga villa ay asul at puti. Na tila bumagay naman sa bughaw na langit, mga ulap, at asul na dagat.
"Naku, medyo napa-iba kami ng daan," kuwento ko. "Sa La Union kami nag-stay muna para magpahinga."
ตอนยอดนิยม