กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Silakbo

Silakbo

Sa mata ng publiko, si Gavin De La Vega ay larawan ng isang perpektong lalaki makapangyarihang bilyonaryo, matagumpay na negosyante, at tapat na asawa ng elegante at magandang si Helena De La Vega. Nababalot ng karangyaan at inggit ang kanilang buhay, tila isang pag-iibigang walang bahid ng pagkukulang. Ngunit sa likod ng marangyang tahanan at perpektong imahe ay isang kasal na matagal nang unti-unting namamatay. Sa loob ng maraming taon, pilit na binuo ni Helena ang pamilyang matagal nilang pinangarap, ngunit kasabay ng paglipas ng panahon ay lumalim ang pagitan nilang mag-asawa. Ang tahanang minsang puno ng pagmamahalan ay napalitan ng pananahimik, galit, at mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom. Hanggang sa dumating si Elyse Valencia. Isang simpleng babaeng walang pakialam sa kayamanan, kapangyarihan, o apelyidong De La Vega. Sa piling ni Elyse, muling natagpuan ni Gavin ang init ng pagmamahal at kapayapaang matagal na niyang hinanap. Ngunit ang relasyong isinilang mula sa lungkot at pangungulila ay mabilis na naging isang bawal at mapanganib na pagnanasa. Alam ni Elyse na mali ang mahalin ang lalaking may asawa. Ngunit sa bawat pagtatangkang lumayo, mas lalo siyang hinihila pabalik ng damdaming hindi niya kayang takasan. Nang mabunyag ang kanilang lihim, unti-unting nilamon si Helena ng desperasyon at takot na mawala ang mundong maingat niyang binuo. Dahil para sa isang babaeng matagal nang nakipaglaban upang manatili sa tuktok, ang pagkawala ni Gavin ay hindi simpleng kabiguan isa itong pagkawasak na hindi niya hahayaang mangyari Sa gitna ng pag-ibig, pagtataksil, at nakalulunod na obsession, sino ang tunay na magiging biktima ng silakbong hindi nila kayang pigilan SILAKBO — isang madilim at mapusok na kuwento ng bawal na pag-ibig, pagkahumaling, at pusong handang manakit… para lamang manatili sa taong pinakamamahal
9175 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 6 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
Brother-in-Law's Wrong Bed

Brother-in-Law's Wrong Bed

“Masarap ba ang asawa ko?” ito ang mga katagang binitawan ng kakambal ko na si Ada pagkatapos kong makipagniig sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal, kasabay ng pagbitaw niya ng isang malakas na sampal sa mukha ko. Ang sagot ko? Mag-asawa at mas malakas din na sampal sa magkabilaan niyang pisngi sabay ngisi. “Oo naman, Ada. Napakasarap ng asawa mo.” ***** Grade one ang kambal na sina Ava at Ada noong maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pambababae ng kanilang ama. Si Ava ay naiwan sa kanyang ina, samantalang si Ada naman ay sumama sa tatay nila. Pero pagkatapos ng labing-anim na taon, muling nagbalik ang mag-ama. Hindi upang bumalik sa kanilang pamilya, kung hindi dahil may kailangan sila kay Ava. At ito ay ang kanyang pagka-birhen. Ang kapalit nito ay ang kidney ni Ada para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa bato. Dahil si Ada lang ang ka-match nito, no choice si Ava kung hindi ang pumayag para madugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal na ina. Pero paano kung mahulog ang loob niya kay Daniel, na asawa ng kakambal niya? Paano kung kahit anong iwas niya dito ay palagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana? Noong namatay ang nanay niya dahil hindi tumupad sa usapan nila si Ada na ibigay dito ang kanyang kidney, nagdesisyon si Ava na ipaghiganti ang kanyang ina. Aagawin niya si Daniel sa kanyang kakambal. Iniba niya ng kaunti ang kanyang itsura at pumasok siya bilang assistant nito, at ipinakita dito ang isang video kung saan siya ang kaniig nito noong gabi ng kanyang kasal at hindi si Ada.
1012.0K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 372 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
411 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 16 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
I love you, Sister

I love you, Sister

Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college. Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila. Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
10161.1K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 5.0K ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่านรีวิว (15)
อ่าน
+ห้องสมุด
GINALYNVELANTE ZANO
Ang ganda po Ng story ni bianca at Vaughn for sure magugustuhan nyo please read po dahil Hindi lng kwento ni Vaughn At Bianca Ang mag papakilig sainyo my Book 2 din po thank you po author Rain tlga nmn pinakaabangan q araw araw Ang daily update u.
Donanito
Maganda sana story pero diko mafeel na madre siya. Sa unan pa lang puro kasalanan na ginagawa. Red flag siya nagkataon lang story niya ito so siya yung bida kahit napakapangit ng character niya. Actually mas bagay siyang GRO
อ่านรีวิวทั้งหมด
Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

"You broke the law of this house when you fell in love with me, your own stepbrother. And now, you’ve broken the law of this country by killing someone. Tell me, Hariette. How will you defend yourself from the crime you’ve committed, when you couldn’t even defend the love you once felt for me?” Napagbintangan si Hariette ng mga kapitbahay na siya ang pumatay sa kanyang tiyuhin matapos makita ng mga ito na hawak niya ang patalim habang nakahandusay sa sahig ang duguan na katawan nito. Inaresto siya ng mga pulis at ikinulong nang walang matibay na ebidensya laban sa kanya. Umatras ang kanyang abogado sa paghawak ng kanyang kaso dahil ayaw niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili. Ayaw niyang sabihin ang totoo na ang kanyang Tiya Gilda ang pumatay sa asawa nito. Wala na siyang makuhang libreng abogado kaya naman napilitan siyang humingi ng tulong sa pamilyang minsan na ring kumupkop sa kanya bago siya napunta sa poder ng kanyang tiyahin, at iyon ay ang mga Avery. Noong una, ayaw itong tanggapin ni Justin, dahil hindi ito humahawak ng kaso ng mga kriminal. Ang katwiran niya, bakit nya ipagtatanggol ang mga taong nagkasala? Ang nararapat sa mga ito ay maparusahan. Pero sa kalaunan ay tinanggap niya rin ito, ngunit bago pa man ang lahat ay nagkasundo sila na babayaran niya ito sa paraang gusto ng binatang abogado, at pumayag naman siya. Pero paano kung ang hilingin nitong bayad ay ang pakasalan siya ng sikreto? Ang akala niya ay may nararamdaman din ito sa kanya. Iyon pala, gusto lang nitong turuan ng leksyon ang babaeng nang-iwan dito. Ang babaeng pinagselosan niya kaya siya lumayas sa bahay ng pamilya Avery. Sa pagitan ng hustisya at pag-ibig, sino ang tunay na huhusgahan? Ang nagkasala, o ang nagmahal?
1012.5K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 436 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
Nanny For Hire, Mommy By Choice

Nanny For Hire, Mommy By Choice

Akala ni Estelle, tatlong buwan lang siyang magiging yaya. Pero hindi niya inasahan na sobrang mapapalapit siya sa anak ng boss niyang si Alaric Montserrat—isang gwapo, seryoso, at ubod ng yaman na negosyante. Nang dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, isang alok ang hindi niya inaasahan. At iyon ay ang maging ina ng anak ni Alaric sa loob ng dalawang taon! Isang simpleng trabaho ang pinasok ni Estelle, pero isang buong pamilya ang gustong ibigay sa kanya ng boss niya. Tanggapin kaya niya ang alok, o iiwan niya ang pusong natutunang umibig sa mag-ama?
670 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 19 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
My Revenge Against Mr. CEO

My Revenge Against Mr. CEO

Pinatay ng isang billionaire CEO ang buong pamilya ni Weiwei dahil sa utang na hindi nila kayang bayaran. Siya lang ang nailigtas—itinago ng kanyang ina bago pa man sumalakay ang mga armadong lalaki. Makalipas ang isang taon, bumalik si Weiwei bilang isang bagong tao na may iisang misyon: sirain ang anak ng pumatay sa kanyang pamilya, ang bagong tagapagmana ng imperyo. Pumasok siya sa kompanya, ginawa siyang tiwala ng binatang CEO, at unti‑unting winasak ang kanyang negosyo at reputasyon. Pero may hindi siya inaasahan—ang bagong CEO ay hindi halimaw tulad ng kanyang ama. Siya ay mabait, patas, at totoo. Ngayon, kailangan nang pumili ni Weiwei: ituloy ang kanyang paghihiganti o mahulog sa lalaking dapat niyang gibain. Walang bastusan. Walang pang‑aabuso sa bata. Paghihiganti at pusong naguguluhan lang.
224 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 6 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)

HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)

Dahil sa mga masasamang nangyari sa buhay ni Adella, napilitan siyang pumasok bilang dancer sa isang club, para lamang mabuhay. Hindi niya akalaing doon niya makikita at makikilala ang iniidolong sikat na surfer na si Apollo Williams. Unang pagtatama pa lamang ng mga mata nila, alam na ni Adella na may kakaiba siyang nararamdaman dito. Ngunit paano siya magugustuhan ng isang tinitingalang taong katulad ni Apollo, gayon ang tingin lamang nito sa kanya ay isang mababang uri ng babae. For him, she was just his whore. Magkakaroon kaya ng katugunan ang nararamdaman ng dalaga patungkol dito? O mananatili na lamang siyang bayarang babae para kay Apollo?
108.9K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 212 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
Wet Desire: The Plus-Size Girl Claimed by 3 Daddies(Tagalog)

Wet Desire: The Plus-Size Girl Claimed by 3 Daddies(Tagalog)

WARNING! ⛔️⛔️ : 18+ ONLY "Ibukaka mo ang mga hita mo, chubby girl. Huwag kang mahihiya sa amin. Habang mas sumusunod ka sa amin, mas makukuha mo ang gusto mo." Nawala kay Ana Lancaster ang lahat sa loob lamang ng isang araw. Pinakasalan ng kanyang nobyo ang kanyang matalik na kaibigang buntis, at iniwan siya na may isang malupit na paalala: walang lalaking magnanais kailanman sa isang mahirap at plus-size na babaeng katulad niya. Ngayon, isa na lamang siyang utusan sa mansyon ng pamilya Leon, tahanan ng pinakamakapangyarihang pamilya ng mga negosyante sa lungsod. Ang kanyang buhay ay puno ng mga utos, panghihiya, at mapanlait na mga tingin—hanggang sa magsimulang mapansin siya ng tatlong mapanganib na lalaki. Si Leon, ang malamig at dominante na lalaki na tumitingin kay Ana na para bang pag-aari na niya ito. Si Adrian, ang matatag at mahinahong lalaki na unti-unting nagpaparamdam kay Ana na siya ay kanais-nais. Si Sebastian, ang mailap at mapang-akit na lalaki na hindi kailanman itinatago ang kanyang pagkahumaling sa panunukso sa katawan at isipan ni Ana. Nang ang utang sa ospital ng kanyang yumaong ina ay nagbantang sirain ang kanyang buhay, napilitang mapasok si Ana sa isang lihim na kasunduan kasama ang tatlong lalaking napakayaman, napakamakapangyarihan, at masyadong obsesibo upang tanggihan. Isang desisyon lamang ang humila kay Ana sa isang mundong puno ng pera, pagnanasa, at mapanganib na mga laro sa pagitan ng tatlong matalik na magkaibigan na unti-unting nagsisimulang sirain ang isa't isa dahil sa kanya. Sa likod ng mamahaling mga damit, nag-aalab na mga haplos, at makasalanang mga bulong, dahan-dahang napagtanto ni Ana ang isang bagay: Hindi lamang ang kanyang katawan ang gusto nila. Gusto nila siyang angkinin nang buo.
147 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 3 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
Playing With My Servant

Playing With My Servant

Author T
Luisa's state in life pushes her to do something against her will in order to save the life of her dying father she gave up her purity to a stranger man through one night stand. Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka naman nagimbal ang mundo ni Luisa nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao hindi niya lubos akalain na magbubunga ang isang gabing iyon, pero wala na siyang magagawa bagkus ay buong puso niyang tinanggap ang bata na muling nagbigay ng kasiyahan at lakas sa kanya at wala siyang hindi kayang gawin para sa anak. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana sa katulad ni Luisa ng namasukan siya bilang katulong sa isang bilionaryo na siyang ama ng kanyang anak. Ngayong pinagtagpo ulit ang kanilang mga landas ay muling napukaw ang pagnanasa sa katawan ni Jaron at bilang isang makapangyarihang tao lahat ng kanyang kagustuhan ay nakukuha niya sa pamamagitan ng pera. At sa ikalawang pagkakataon ay muling naulit ang minsang pag-iisa ng kanilang mga katawan, pero paano kung unti-unti ng nahuhulog si Luisa sa ama ng kanyang anak maipagtatapat niya na rin ba ang katotohanang tinatago niya gayong narinig niyang ayaw ni Jaron maging isang ama.
102.4K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 92 ครั้งในชื่อ alamat ng pinya author
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
910111213
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status