One Faithful Love
Nilapitan niya ang tanim niyang mga American Roses, ito yung mga malalaking variety ng rosas.
“Ang gaganda pa rin nila, Mabuti naman Mama at naaalagaan niyo po sila,” masayang baling niya sa Donya.
“Alam ko kasi na babalik ka kaya inalagaan ko sila para sa’yo,” maramdaming wika nito. “Ano ba ang nangyari sa’yo noon? Alam ko na masakit alalahanin pero gusto ko sana’ng malaman ang buong pangyayari.” Lumingon siya dito at ngumiti, hinawakan niya ito sa kamay at iginiya palapit sa may garden table na naroon at inalalayaan itong maupo.
인기 회차