Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
101.5K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as blurb meaning
Read
+Library
Her Precious Memory

Her Precious Memory

Blurb Isang kahera si Iyah Lustre sa isang fastfood chain na pinagtatrabahuhan nito. Nais man niyang maghanap ng ibang trabaho ay hindi niya magawa dahil wala daw siyang maipakitang katibayang dokumento na siya'y nakapagtapos. Gayunpaman ay pinagtitiyagaan nalang niya ang kakurampot na sahod upang matustusan ang pangangailangan nilang mag-iina. Buntis si Iyah ng maaksidente ngunit hindi niya alam kung sino ang ama ng nasa sinapupunan niya. Buti nalang ay may matandang babae na nag magandang loob upang tulungan siya. Sa kabila ng pagkawala ng kaniyang memorya. May parte sa kaniyang puso na nagagalit dahil wala man lang ni-isa sa pamilya niya ang naghanap. Tuloy hindi niya mawari kung sino ba talaga siya. Pero imbis na hanapin ang nawawalang alaala ay itinuon niya nalang ang pansin sa apat na taong gulang niyang anak. Ito nalang ang meron siya. Si Lucas De Asis ay isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas , sa edad na 35 ay masasabi mong successful ang kaniyang karera bilang isang magaling na CEO ng De Asis logistic. Corporation. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay ay tila may kulang. Kulang dahil hindi pa rin niya mahanap ang asawa niya na limang taon nang nakakalipas simula nang ito ay mawala. Sa muli nilang pagkikita ay hindi siya nito maalala . Ano ang kaya niyang gawin upang muling bumalik ang pagmamahal ng kaniyang asawa? Paano kung matuklasan niya na isa rin siya sa dahilan kung bakit ito naaksidente, magagawa kaya niyang palitan ang masakit na nakaraan nila, nang bago at magagandang alaala?
10289 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as blurb meaning
Read
+Library
Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Blurb Labis na pinagsisisihan ni Sandy nang magkrus ang kanilang landas ni Dimitri Vinocencio. Ang lalaking inibig at nagpatibok ng kaniyang puso at maging ang lahat sa kaniya ay nagawa niyang isuko. Lihim silang nagpakasal. Subalit ang inakala 't masaya nilang simulan bilang mag-asawa na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan katulad sa kanilang simumpaang PAG-IBIG NA WAGAS, makalipas lamang pala ng tatlong taon ay MAGWAWAKAS. Siya na mismo ang sumuko. Matapos ipinamukha ni Dimitri sa kan'ya kung gaano pa nito ka-mahal ang ex-girlfriend at first love nitong si Lindsay na ngayo'y nagbabalik ay nakapag-desisiyon siya hiwalayan na ang asawa. Sa kaniyang pagbangon muli mula sa lusak matapos ang diborsyo. Sino ang mag-aakala? Na ang sikat na Jewelry designer na hindi nagpakilala sa publiko at ang matagal nang hinahanap ni Dimitri dahil sa natatatangi nitong mga obra ay walang iba kun 'di ay siya. Si Sandy Ariela ang nag-iisang Unica Hija ng nag-uumapaw sa karangyaan mula pamilya ng mga Delavin. Siya rin ang unknown magic fortune teller sa investment bank na ngayon ay hinabol ng halos lahat ng Business Tycoons mapansin lamang ang mga ito. Isa na roon si Dimitri na matagal nang naghihintay na muli silang magkita ng dating asawa na nawala noon na parang bula. Ngayon ay nakita na nito si Sandy ay hindi na niya ito pakakawalan pa na noon hay halos mabaliw siya kahahanap sa bawat araw na lumipas ay kabiguan lamang ang nakukuha. Magawa pa kaya ni Dimitri na mahuli ang sa nagyo 'y mailap na puso ng dating asawa na minsan ay naging kaniyang pagmamay-ari?
1030.2K viewsOngoingAdded to Library 603 Times as blurb meaning
Read
+Library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
1018.6K viewsOngoingAdded to Library 519 Times as blurb meaning
Read
+Library
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
107.8K viewsCompletedAdded to Library 266 Times as blurb meaning
Read
+Library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status