Revenge Plan for the Billionaire
Kung wala si Marga, siguro'y palaboy-laboy ako ngayon—walang direksyon sa buhay.
Ang mga Benitez ang target namin ngayon, matagal-tagal ko ring hinantay ang araw na ito. Mayaman ang mga Benitez at halos lahat yata ng gusali sa Sitio Barbara ay pagmamay-ari nila. Bilyon-bilyon ang hawak nilang pera kaya sigurado akong malaki talaga ang kikitain namin sa kanila. Isa pa, malaki na rin ang down payment ng taong nagpapabagsak sa Benitez, wala akong ideya kung sino at wala na akong balak isipin pa, ang mahalaga'y magawa ko ang misyon na ito ng tama.
"Marga, alam mo naman na pagkatapos nito ay aalis na ako 'di ba? Nagkasundo na tayo kaya sana sumunod ka sa usapan," wika ko kay Marga.
Chapitres populaires